Ryssi wish granted bilang champion ng TikTok Pride campaign, may bagong kanta pa!

BONGGA ang pagtatapos ng Pride Month para sa content creator at singer na si Ryssi Avila!
Bukod kasi sa siya ang itinanghal na grand winner ng TikTok LIVE “Find Your Voice” Competition, nakapag-release pa siya ng bagong single na pinamagatang “For Real.”
Sa panayam ng BANDERA matapos ang grand celebration ng #ForYourPride campaign, aminado si Ryssi na hindi niya inasahang siya ang magiging kampeon sa kompetisyon.
“Noong una po hindi po ako makapaniwala kasi naging sobrang hirap po ng campaign. Marami din pong malalakas and deserving, like all of the contestants, they all deserve to be number one. So nu’ng nanalo po ako, sobrang saya ko po kasi natupad po ‘yung wish ko to release another song at may pa-bonus pa po–ang TikTok Live Philippines music video,” sey niya.
Baka Bet Mo: Ryssi ginamit ang musika para mag-empower sa LGBT community: ‘Stay true!’
Wika pa ng dalaga, “So sobrang pasasalamat ko po to everyone who has been part of my campaign journey kasi kung wala pa yung suporta nila, I wouldn’t be able to achieve what I’ve achieved today.”
Para sa mga hindi aware, ang bagong single niya ang naging winning Pride anthem ng kompetisyon.
Pero ayon kay Ryssi, higit pa sa isang awitin ang nais niyang iparating dito: “My song ‘For Real’ is all about the title itself. Being real to yourself and being true, accepting, and to not be afraid of showing who you really are to the world.”
Chika pa niya, “I wrote this song so to anyone who can’t hear it, they will not hide who they are. And they can find their voice and have the strength and courage to inspire and empower authenticity.”
Para kay Ryssi, ang musika ay hindi lang para sa entertainment kundi isa ring paraan upang mahikayat ang mga tao, lalo na ang LGBTQIA+ community, na yakapin ang kanilang tunay na pagkatao at huwag matakot ipakita kung sino sila.
Si Ryssi ang nanguna sa TikTok LIVE “Find Your Voice,” ang singing competition na bahagi ng ikaanim na taon ng #ForYourPride campaign ng TikTok para sa Pride Month.
Layunin nitong bigyang-entablado ang mga singer-songwriters at creators na gumagamit ng musika bilang paraan ng self-expression, authenticity, at empowerment.
Bukod kay Ryssi, kinilala rin sa kompetisyon sina Criszl Luna, Don Philip Dela Cerna, Arnie Calacar, at Ruthie Qadan.
Nagtapos ang kampanya sa isang makulay na music festival-inspired celebration na dinaluhan ng creators, drag artists, allies, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
