Jim Paredes ikinahihiya na daw rin ng mga 'dilawan', wala ng kakampi | Bandera

Jim Paredes ikinahihiya na daw rin ng mga ‘dilawan’, wala ng kakampi

Cristy Fermin - March 03, 2017 - 12:35 AM

SI JIM PAREDES KASAMA SINA BUBOY GAROVILLO AT DANNY JAVIER NG GRUPONG APO

SI JIM PAREDES KASAMA SINA BUBOY GAROVILLO AT DANNY JAVIER NG GRUPONG APO

SIGURO’Y ramdam na ngayon ni Jim Paredes ang pagngangalit ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sukol na siya, wala na siyang masusulingan, kahit saang aspeto ng social media ay siya ang pinagpipistahang upakan ng mga kaalyado ng grupong sinaktan niya.

Siguro rin ay nakita niya ang ayaw niyang makita, pati ang kanyang pagiging musikero ay hinuhusgahan na rin, habang pinupuri ng ating mga kababayan ang mga kasamahan niya sa grupo na sina Danny Javier at Buboy Garovillo.

Nasaan na ang kanyang mga kasamahan ngayon sa pananalig at paniniwala? Bakit parang wala namang ginagawa ang kanyang mga kakampi para ipagtanggol man lang siya?

Bakit pinababayaan na lang siyang pupugin ngayon ng mga minemenos niyang tagasuporta ng pangulo? Ikinahihiya na ba siya ng kanyang mga kagrupo?

Sabi ng isang kapwa musikero ni Jim Paredes, “Napakaaga niya namang nagkaganyan? Ilang taon na ba siya? Bakit parang nag-uulyanin na siya? Nakakahiya ang mga pinaggagagawa niya!

“Sayang na sayang ang legacy ng grupo niya na ngayon, e, nakakaladkad na rin dahil sa ginawa niyang pang-aabuso sa karapatan ng kapwa niya!” madiing pahayag ng musikero.

Manahimik na lang kasi kapag wala namang magandang sasabihin. Alagaan ang katawan lalo na kapag hindi na bumabata. Igalang ang kapwa sa lahat ng panahon dahil ang pulitika ay may katapusan pero ang pagiging Pilipino ay wala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending