Mga abusadong pulis hindi nababawasan | Bandera

Mga abusadong pulis hindi nababawasan

Ramon Tulfo - February 25, 2017 - 12:10 AM

ANG bilang ng krimen sa kalye — holdup sa mga jeepney, holdup sa kalye, snatching ng bag at cellphone at pandurukot ng pitaka — ay malaki ang ibinaba sa Metro Manila.

Samantala, ang mga pagpatay o pagsalvage ng mga suspected drug pushers at addicts ay dumarami.
Ngayon, alam na natin kung bakit kumonti ang mga krimen sa lansangan; karamihan sa mga biktima ng salvage ay mga nambibiktima ng mga inosenteng mamamayan sa kalye.

Ang mga drug addictang gumagawa ng krimen upang suportahan ang kanilang bisyo.
Ang pagliligpit sa mga kriminal sa kalye ang sikreto sa Davao City, considered one of the safest cities in the world.

***

Kahit na ang bilang ng mga kriminal sa kalye ay bumaba, ang bilang ng mga abusadong pulis ay nanatiling mataas.

Yung mahigit na 300 na tiwaling pulis na ipinadala sa Basilan — mga 50 lang ang sumipot — ay kakapiranggot kumpara sa “40 percent” bad eggs na miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa Metro Manila, hindi na nagbago ang mga tiwaling pulis kahit na naging pangulo na si Digong.

Marami pa ring pulis ang na nang-aapi ng mga inosenteng mamamayan.

Halimbawa, binaril ni PO1 Anthony Jaira Nepomuceno ng Manila Police District si Mark Anthony Agito, isang pedicab driver, dahil sa napakaliit na bagay.

Pinaghilaan ng pulis ang pedicab driver na nanapik ng kanyang kotse.

Babarilin mo ang tao dahil lang tinapik ang iyong kotse? Sobrang yabang yan!

Hindi man lang nasuspinde si Nepomuceno kahit na sinampahan na siya ng mga kasong kriminal at administratibo.

Tumulong ang “Isumbong mo kay Tulfo” na sampahan ng mga kaso si Nepomuceno.

***

Marami na akong nakatagpong mga abusadong pulis bilang host ng “Isumbong.”

Ang aking public service program, na nag-umpisang magsahimpapawid noong June 1, 1991, ay nakarinig na ng napakaraming reklamo laban sa mga pulis.

Pero wala nang papantay sa pang-aabuso ng mga pulis sa Sta. Mesa police precinct sa Maynila.

If I would rate their abusive behavior or oppression to an innocent civilian, I would rate it “9 ½” on a scale of 1 to 10, l being the lowest and 10 the highest.

Ito ang mga pangalan ng pulis na sukdulan ng abusado: SPO1 Renato Ablaza, PO3 Ruel Aguilar, PO2 Patrick Guevarra at PO2 Ronald Robles.

Ang kanilang biktima ay si Michael Hingpit, isang bakla.

Lulan si Michael ng taxi kasama ang kanyang boyfriend patungong motel nang sila’y parahin ng pulis at pinababa.

Walang nagawang kasalanan sina Michael.

Dinala si Michael at ang kanyang boyfriend sa presinto.

Sa presinto, tinutukan si Michael ng baril, sinampal, pinalo ng sandok sa ulo, ninakawan ng kanyang pitaka at cellphone.

Pero ang pinakamasagwang ginawa ng mga pulis kay Michael ay utusan siyang tsupain ang kanyang boyfriend sa kanilang harapan. Nang siya’y tumanggi ay pinagsasampal siya at tinutukan ng baril sa kanyang ulo.

Di pa nakontento ang mga pulis. Inutusan nila ang babaeng kapatid ni Michael na tubusin siya sa presinto.

Dahil mahirap lang ang kapatid ni Michael na may asawa, dinala niya ang alkansiya ng kanyang pamilya sa presinto.

Pati yung mga barya sa alkansiya ay pinatos ng mga pulis!

***

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento at tanong, mag-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending