CHARICE: Opo TOMBOY ako, sorry at patawad sa mga hindi makatanggap sa akin! | Bandera

CHARICE: Opo TOMBOY ako, sorry at patawad sa mga hindi makatanggap sa akin!

Alex Brosas - June 03, 2013 - 06:51 AM


Umaming nagkaroon na nang relasyon sa kapwa babae

‘Proud ako sa sarili ko at mahal ko ang sarili ko!’

“Opo tomboy ako!” Ito ang diretsong pag-amin ni Charice kahapon kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kanyang ina at pamilya kung nasaktan sila sa desisyon niyang magpakatotoo.

Sa interview ng The Buzz sa international singer sinabi ni Charice na gusto niya lang maging totoo hindi lang sa kanyang sarili kundi pati na rin sa lahat ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.

“Sorry mommy, Carl, eto ako. Sa lahat ng mga hindi makakaintindi sa akin, patawad po, sa mga hindi ako matatanggap, sorry po at sa lahat ng mga makakatanggap sa akin, maraming, maraming salamat.

At ngayon po, gusto ko lang sabihin sa inyo na ang gaan-gaan ng pakiramdam ko,” pahayag ni Charice na humagulgol na.

Dagdag pa ng singer, “Ngayon makakalabas na ako ng bahay na wala akong itinatago, na wala akong sinasagasaan.

At proud po ako sa sarili ko. Mahal ko ang sarili ko.” Kasabay nito, sinabi rin ni Charice na nagkaroon na rin siya ng relasyon sa kapwa babae.

Inamin din ng singer na totoong nagkaroon sila ng matinding away ng kanyang ina, “Opo nagkaaway kami ni Mommy, at kung nasaktan niya ako, alam ko na mas nasaktan ko siya bilang ina.

Pero tina-try po naming ayusin, tina-try naming intindihin ang isa’t isa.

Tsaka normal lang naman po sa isang pamilya ang makaroon ng hindi pagkakaintindihan.”

Sa issue naman ng paglalayas daw niya, hindi ito dinenay ng singer, “Umalis ako sa amin, pero hindi ko po alam kung matatawag ‘yun na paglalayas.

Umalis ako hindi dahil ayaw ko na du’n kundi kailangan na.

Nakatira po ako ngayon sa isang pamilya dito po sa Cabuyao, Laguna.

Matagal ko na po silang kakilala, na hindi ko ine-expect na susugal sa akin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito po pwede kong gawin lahat, pwede akong magbaliw-baliwan na walang manghuhusga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending