Horoscope, February 22, 2017 | Bandera

Horoscope, February 22, 2017

Madam Sophia |February 22,2017
facebook
share this

Horoscope, February 22, 2017

Madam Sophia - February 22, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ang pangungulit ay isang sangkap, upang lumigaya at  umunlad. Sa pag-ibig, kulitin ang minamahal hanggang makuha mo ang iyong gusto. Sa pinansyal,  wag kang titigil hanggang sa yumaman!  Mapalad ang 7, 17, 25, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Yellow at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) –  Tanggalin ang pride at wag ng patagalin ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng minamahal. Sa pinansyal, habang patuloy kang nagpapakumbaba at hindi mayabang, lalong madaragdagan ang kinikita. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”  Violet at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –  Ang hina ng loob at pagiging mahiyain ang hadlang kaya hindi ka umuunlad. Alisin ang pagiging mahiyain upang ikaw ay ganap na lumigaya at magtagumpay. Sa pinansyal, dagdagan pa ang lakas ng loob para makuha ang ninanais. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Teneo-Om.” Red at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Upang mawala ang pag-aalinlagan, ngayon pa lang i-priority na ang mga pangarap sa buhay. Isa lang ang dapat mong maging layunin – ang yumaman. Sa pag-ibig, ipriority ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 28, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” White at black ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) –  Pahalagahan ang bawat sandali. Pagpinalagpas mo ang pagkakataon hindi na ito babalik. Sa pag-ibig wag hayaang mawala ang pagmamahal ng kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, sa bawat pagkakaperahang iaalok ng kaibigan, sunggaban agad. Mapalad ang 4, 8, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Gold at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Suwerte ka ngayong araw na ito. Lubos kang masisiyahan sa aspetong pang-damdamin at pang-sekswal. Sa aspetong pananalapi, aangat ang graph ng pag-unlad. Mapalad ang 1, 10, 27, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Orissa-Krisna-Om.” Green at  beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –  Upang wag masira ang araw, umiwas sa pakikipagtalo. Kahit hindi mo gusto ang suwestyon ng kasuyong Taurus umoo ka na lang ng umoo. Sa pinansyal, hihina ang kita kung lagi mong pinipilit ang iyong gusto. Mapalad ang 5, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Maroon at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Lahat ng poblema ay may solusyon. Sa salapi, makaka-ahon ka rin sa mga pagkakautang pagdating ng buwan ng Marso. Sa pag-ibig, kung nagka-problema man sa relasyon kusa ding magkakasundo sa susunod na mga araw. Mapalad ang 5, 17, 23, 28, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Polluseo-Palleo-Om.”  Gray at silver ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –  Problema sa pananalapi? Wag mag-alala dahil agad din itong malulutas sa tulong ng isang kaibigang Cancer. Problema sa pag-ibig, sagot ng isang Sagittarius ang iyong kaligayahan. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Maroon at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) –     Isang Aries ang mag-aalok ng trabaho.Wag maging mapili ang lahat ay nagsisimula sa mababang puwesto bago tuluyang umasenso. Sa pag-ibig, paano ka liligaya kung naghahanap ka ng “perfect relationship”, samantalang wala namang ganon sa mundo? Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Jaya-Om.” Violet at magenta  ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Alalahaning ang mga tao nasa kapaligiran pagdating ng araw ang siya ring makatulong sa iyo.  Kung nagigipit, wag kang mahiyang lumapit sa kanila. Sa pag-ibig, isang naka-white na ka-tabi mo lang ang may lihim na pagtingin  sayo. Mapalad ang 9, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Huwag ikumpara ang nakaraan pakikipagrelasyon sa kung ano ang mayroon sa ngayon. Wala kang karapatan pagkumparihin ito. Magpakaligaya sa kasalukuyan. Sa pinansyal, iwasan ang ugaling masyadong mapagbigay. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Huwag umasang may balik ang ginawang tulong sa iyong kapwa.Tumulong ng hindi naghihintay ng kapalit. Sa ganyang paraan, sa pinansayal at pag-ibig, lalo kang sasagana at pagpapalain ng Maykapal. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.”  Yellow at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending