CBCP nagpahayag ng pagkabahala sa napakaraming pagpatay sa gera kontra droga
NAGPAHAYAG ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng matinding pagkabahala sa napakaraming namamatay dahil sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
“It is good to remove the drug problem, but to kill in order to achieve this is also wrong,” sabi ng CBCP sa isang pastoral letter na binasa sa mga misa kahapon.
Nangako rin ang CBCP na patuloy na magsasalita laban sa nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.
“This traffic in illegal drugs needs to be stopped and overcome. But the solution does not lie in the killing of suspected drug users and pushers,” dagdag ni CBCP president Socrates Villegas.
Pinirmahan ni Villegas, archbishop ng Lingayen-Dagupan, ang tatlong-pahinang pastoral statement sa kanyang kapasidad bilang CBCP president.
Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng koletibong posisyon ang CBCP hinggil sa isyu.
Umabot na sa mahigit 7,000 ang namamatay s kampnya konyra droga.
“An even greater cause of concern is the indifference of many to this kind of wrong. It is considered as normal, and, even worse, something that (according to them) needs to be done,” dagdag ng CBCP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.