Jodi, Baron nagpalitrato sa harap ng kabaong | Bandera

Jodi, Baron nagpalitrato sa harap ng kabaong

Ervin Santiago - January 27, 2017 - 12:15 AM

JODI STA. MARIA AT BARON GEISLER

JODI STA. MARIA AT BARON GEISLER

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang litrato nina Jodi Sta. Maria at Baron Geisler na kuha sa burol ng yumaong ina ng kontrobersyal na aktor.

May mga natuwa sa nasabing larawan ngunit meron ding nangnega sa dalawa at nagsabing parang hindi raw tama ang ginawang pagpapa-picture ng dating magka-loveteam sa harap ng kabaong habang nakatawa pa.

Dumalaw si Jodi sa burol ng nanay ni Baron na si Gng. Gracia Geisler, 60, na namatay last Sunday dahil sa cancer. Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Baron ang photo nila ni Jodi sa harap mismo ng kabaong. Nasa St. Louie Memorial Chapel sa Mabalacat, Pampanga ang labi ng ina ni Baron.

Ayon sa ilang bashers, sana raw ay hindi na nagpalitrato ang dalawa na nakatawa pa. Pero sey naman ng ibang netizens walang masama sa ginawa nina Jodi at Baron. Na-miss lang daw siguro nila ang isa’t isa at na-excite ang aktor sa pagkikita nila ng kanyang ex-GF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending