Pinay nakatakdang bitayin ngayon o bukas sa Kuwait; DFA nagkukumahog
NAGKUKUMAHOG ang Department of Foreign Affairs (DFA)para maisalba ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nakatakdang bitayin ngayon sa Kuwait matapos umanong mapatay ang 22-anyos na anak ng babae ng kanyang amo.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nagpatawag ng emeregency meeting si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa mga opisyal ng DFA kaugnay ng isyu.
“SFA (Yasay) and DFA officials are meeting right to now to discuss the situation and if there are available remedies to the government at this stage,” sabi ni Abella.
Sa isang panayam sa DZMM, kinumpirma ni Lt. Co. Angaris “Gary” Pawa na mismong ang kanyang kapatid na babae na si Jakatia Pawa ang nagkumpirma sa nakatakda niyang bitay matapos tumawag mula sa kanyang kulungan.
Ngunit ayon sa ulat ng DZMM, nakatakda na ang bitay ganap na alas-12:30 ngayong araw.
Napatay umano ni Pawa ang 22-anyos na anak na babae ng kanyang amo habang natutulog noong Mayo 2007.
Sinintensiyahan si Pawa ng kamatayan ng Court of First Instance ng Kuwait.
Kinatigan ng Court of Cassation ang naging desisyon noong 2013.
Si Pawa ay tubong Zamboanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.