Mocha: Matagal na po akong nagbago, wala nang kandungan at dukutan sa mga lalaki! | Bandera

Mocha: Matagal na po akong nagbago, wala nang kandungan at dukutan sa mga lalaki!

Cristy Fermin - January 12, 2017 - 12:20 AM

mocha uson

NAKAPANUMPA na sa Palasyo ang kontrobersiyal na si Mocha Uson bilang bagong talagang board member ng MTRCB. Wala nang urungan ito. Sa ayaw at sa gusto ng kanyang mga bashers ay may upuan na sa ahensiya ang binubulabog sa social media na tagapagtanggol ng ating pangulo.

Personal naming nakakuwentuhan si Mocha, aminado ang leader ng Mocha Girls na isang malaking hamon para sa kanya ang bagong trabahong ipinagkatiwala sa kanya ng ating pamahalaan, pero palagi raw naman siyang bukas at nakahanda sa anumang pagsubok sa kanyang kapasidad.

“In-offer po sa akin ito, hindi ko hiningi. At gusto ko ring ipaalam sa mga hindi pa aware na nagbago na po ako, hindi na ako ang dating Mocha na sinasabi nilang malaswa dahil sa mga ginagawa kong act sa stage.

“Matagal na po akong nagbago, wala na ang kandungan at dukutan ng pants ng lalaki sa performance ko, saka ‘yung mga inilalabas nilang pictures ko sa social media, seven years ago na po ‘yun!

“Kaya nga ang sabi ko, e, nakakalungkot isipin na ang mga haters na ito, sa halip na tumulong sa taong nagbabago na, e, nanglalaglag pa! Isang chance lang naman po ang hinihingi ko.

“Bigyan lang sana nila ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko. Tutulong po ako para mabawasan ang maling sistema sa mga teleserye, kundi man tuluyan nang mawala ang soft porn sa telebisyon.

“Hindi po ako nagmamagaling, gusto ko lang tugunan ang hinaing ng mga nanay na humihingi sa akin ng tulong para hindi sila naiilang sa mga pinanonood nilang programa,” hiling pa ng kontrobersiyal na si MTRCB Board Member Mocha Uson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending