Robin umamin kay Mariel kung kailan huling natukso sa babae; nagseselos sa 'steak' ng asawa | Bandera

Robin umamin kay Mariel kung kailan huling natukso sa babae; nagseselos sa ‘steak’ ng asawa

Reggee Bonoan |July 29,2021
facebook
share this

Robin umamin kay Mariel kung kailan huling natukso sa babae; nagseselos sa ‘steak’ ng asawa

Reggee Bonoan - July 29, 2021 - 11:47 AM

FOLLOW-UP ito sa panayam ni Mariel Rodriguez sa asawang si Robin Padilla tungkol sa isyung walang lalaking makakaiwas sa tukso lalo na kapag artista.  

Ito ay dahil nga sa umano’y third party sa kontrobersyal na hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sa pagpapatuloy ng vlog ni Mariel ay natanong naman niya ang asawa ng, “Natatandaan mo dati may friend ako na nagsabi na para raw akong kabit. Na-offend? Medyo nagkasagutan tayo no’n. Sabi mo, ‘never ka nagkaroon ng kabit.’ Paalala ni Mariel kay Binoe.

Sagot naman ng aktor, “E, bakit naman kasi kailangan, e, Muslim ako?”

“That’s what you told me, Muslim ka na kailanman hindi magiging kabit, di ba? In that interview (ni Binoe kay Ogie Diaz), sabi mo, ‘mag-Muslim ka na lang kung hindi mo kayang i-handle ang temptation,” paalala ni Mariel sa aktor.

“Ang sabi ko, pag-Muslimin mo na lang (si Aljur),” sambit ni Binoe.

“Puwede nating i-clear sa kanila na hindi naman lahat ng Muslim ay kailangan maraming asawa,” diin ng wifey ng aktor.

Sangga kaagad ni Robin, “Saka hindi iyon ang ibig kong sabihin.  Ang point ko ro’n, kahit na sinong lalaki na madoktrinahan ng Islam walang kahit kailan sinabi ro’n na magparami ka ng asawa, walang ganu’n. 

“Kahit pagbali-baliktarin mo ang Koran ang sinabi ro’n, mag-asawa ka ng isa. Ngayon kung hindi mo kaya ay pinapayagan kang mag-asawa na dalawa, tatlo, apat kung kaya mong magbigay ng justice.  Kung hindi mo kayang magbigay ng justice, mag-asawa ka ng isa lang.”

Hirit ni Mariel, “Ano ‘yung justice?”

“Aba malalim ang justice na ‘yun!  Unang-una ‘yung pag-ibig dapat fair ka ro’n,” seryosong paliwanag ni Binoe sa asawa.

“Puwede ba yun? Maaari mo bang sabihin na ‘mahal ko kayo equally?'” tanong uli ni Mariel.

“Sa akin kapag pinapraktis mo nang patago doon nagkakaloko-loko,” paliwanag ng aktor.

Ibig sabihin ni Robin ng patago ay hindi alam ng unang asawa at nangyayari ito sa ibang relihiyon na hindi naman binanggit dahil sa Muslim ay sinasabi raw na may ikalawang asawa lalo’t matatag ang pananampalataya nilang pareho.

For the nth time ay muling tinanong ni Mariel kung kailan huling nagkasala o natukso si Robin na sinagot naman nito na matagal na at nangyari ito kapag nag-a-abroad sila dahil maraming magagandang babae sa Russia. Inamin din naman ito ng aktor sa part 1 ng vlog ni Mariel.

Idinaan ni Binoe sa biro ang sumunod na pahayag, “Kapag tumingin ka (sa magandang babae), tingnan mo na kasi pag inalis mo ang tingin mo at tiningnan mo ulit, iyon, kasalanan na ‘yun.”

Seryosong tanong ng asawa niya, “Paano ‘yun naging joke? Hindi naman nakakatawa?”

At dito na binanggit ni Robin na hindi siya nagagalit kay Mariel kapag sinasabi niyang guwapo ang mga Korean actors sa K-drama na pinapanood niya. Pero pumalag ang huli.
“I’ve never said that! I will never, ever say that!” diin ni Mariel.

“Anong never, e, nagpupuyat ka?” tanong ng asawa.

“Nagpupuyat ako pero I never, ever, ever, at dahil maganda ‘yung story,” katwiran nito sa tanong ni Robin kung bakit siya napupuyat para manood ng K-drama.

Muling ipinaalala ni Mariel na sa simula pa lang ng relasyon nila ni Robin ay hindi siya payag na may kahati siya o natukso sa iba ang asawa dahil hindi siya ‘yung sinasabi na may mataas ang faith, “It’s just me be.”

Sabi pa, “If ever gumawa ka ng ganu’n (natukso sa iba), okay gawin mo, gawin mo, pero out ako.  Ganu’n ‘yun kasimple!”

At bumalik na ulit sila sa sparring na tila lumalakas si Mariel na halatang naglabas ng galit dahil solid lahat ang tama nito kay Robin na hirap na hirap namang sanggain lahat ng hampas ng asawa.

“Ang lalakas ng palo mo! Hindi puwedeng nag-ensayo na galit ka.  Ayaw ko na. Dapat cool ka,” malakas na sabi ni Robin habang hinuhubad ang protective gears.

“Sinong nagsabing galit ako?  Ako ang pinaka-cool sa lahat!” sagot kaagad ni Mariel.

At nabanggit niya ang mga isyung naikabit kay Robin tulad ng nabuntis daw nito si Mocha Uson. Pero hindi na ito tinalakay pa sa vlog dahil pareho nang kinlaro nina Robin at Mocha ang isyung ito.

At sa muling question and answer portion nina Mariel at Robin ay natanong ng una kung, “Have I been a good wife to you?”
“Oo, yes!” sambit ng aktor.

Tanong ulit ni Mariel, “The best thing that I do for you?”

“Lalo na nu’ng wala ka pang anak (mukhang may malisya) kasi ako ang baby noon, eh. Lalo na nu’ng nag-decide kang iwan ang tugatog ng tagumpay (maraming hosting job noon si Mariel),” balik-alala ng aktor.

“Oo nga, eh kasi you were telling me that before I was 26 when I married you and that time, I was really doing so much,” paalala nito sa asawa.

“Oo nga iniwan mo nga lahat,” sabi ulit ni Robin.

“For love, yes!” sagot ni Mariel na talagang sumunod sa India para magpakasal kay Robin.

Natanong naman ni Mariel kung masaya si Robin at sinagot nito na mas masaya siya kapag nasa bahay siya kapag kalaro niya ang mga anak nilang sina Isabella at Gabriella at lalo na kapag pinapansin siya ng asawa.

“Sobra ka naman, pinapansin naman kita lagi,” pagtatanggol ni Mariel sa sarili.

“Sana nga naging steak na lang ako! Ha-hahaha!” biro ng aktor na ikinatawa rin ng asawa.

Ibig sabihin ni Robin, naging routine na kasi ng asawa niya na ang inaasikaso ay sina Isabella, Gabriella at ang steak business nila.

“Sobra ka babe sa steak, nag-start palang kasi ‘yung negosyo (kaya tutok siya),” paliwanag ni Mariel.

“Okay naman ‘yun, alam mo naman ako, joke lang,” kambyo ni Binoe.

“Robin is a good husband,” saad n TV host.

Mukhang may part 3 pa ang vlog dahil isu-surprise visit ni Mariel ang asawa sa lagi nitong pinupuntahan na “army-army” daw lagi ang paalam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Let’s check what is tatay doing at kung anong meron sa army-army na ‘yan,” pagtatapos ni Mariel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending