Mocha binanatan si Toni: Alam n'yo po Ma'm, napaghahalatang wala po kayong alam sa public service | Bandera

Mocha binanatan si Toni: Alam n’yo po Ma’m, napaghahalatang wala po kayong alam sa public service

Ervin Santiago - April 21, 2022 - 10:28 AM

Toni Gonzaga at Mocha Uson

NAKAHANAP na naman ng bagong kalaban ang TV host-actress na si Toni Gonzaga sa katauhan ni Mocha Uson.

Isa ang sexy singer at kilalang solid DDS (Diehard Duterte Supporter) sa nga bumatikos nang bonggang-bongga kay Toni nang muli itong sumampa sa campaign rally ni dating Sen. Bongbong Marcos sa Cebu kamakailan.

Matapang kasi nitong ipinagsigawan sa buong universe na malapit na malapit na raw bumalik ang sinusuportahan niyang presidential candidate sa Malacañang.

Sa nasabing campaign rally ipinakilala ni Toni si BBM sa lahat ng naroon ng, “Konting-konting panahon na lamang at magbabalik na si BBM sa kaniyang tahanan — ang Malacañang.”

Kaliwa’t kanang pamba-bash na naman ang inabot ng asawa ng movie producer na si Paul Soriano dahil dito kabilang na nga ang Mothers for Change (MOCHA) party-list nominee na si Margaux “Mocha” Uson.

Sa pamamagitan ng isang TikTok video, niresbakan ni Mocha si Toni na nakasama niya sa 2013 blockbuster movie na “Four Sisters and a Wedding” under Star Cinema.

@mochausonofficial

Ang Malacañang ay opisina hindi tahanan

♬ original sound – mochauson – mochauson


“Alam mo, ma’am, hindi maganda ‘yang sinasabi ninyo. Napaghahalataang wala po kayong alam sa public service,” simulang pahayag ni Mocha.

“Si Pangulong Duterte nga po, sinasabi niya na ang Malacañang ay kaniya lamang opisina, hindi po niya ito tahanan. Ito ay pag-aari ng taumbayan,” dugtong pa ng sexy singer na sumusuporta naman sa kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno.

Kilalang solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha pero mas pinili niyang isulong ang presidential bid ni Yorme kahit pa nga running mate ni Bongbong ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Pambabara pa ni Mocha kay Toni, “Para sabihin mo na babalik na sa kaniyang tahanan sa Malacañang si Marcos, ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanilang pamilya na ginawa na talagang tahanan ang Malacañang noon.

“Umalis lang saglit, at ngayon ay babalik muli para angkinin ito.

“Paalala lang po: Ang Malacañang ay pag-aari ng bawat Pilipino. Ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan. Sana po, ma’am, matuto kayo sa mga sinasabi ng Pangulong Duterte,” lahad pa ng proud DDS.

Marami namang um-agree sa mga sinabi ni Mocha laban kay Toni pero may ilang netizens din naman ang nagtanggol sa aktres tulad na lang ng isang nagsabi na, “Mali naman yung argumento. Magiging tahanan iyon ng pamilya ng presidente kapag na i-elect, and Toni’s chant is figurative not literal, but mocha’s logic says, ginagwang tahanan = dictator, ingay lang hanap neto e, sana pinagisipan ng malalim kahit konte bago ngawa.”

https://bandera.inquirer.net/311173/sigaw-ni-toni-konting-konting-panahon-na-lang-babalik-na-si-bbm-sa-kanyang-tahanan-ang-malacaang

https://bandera.inquirer.net/297338/john-lloyd-balik-telebisyon-na-napakalaking-bagay-ho-na-nakahanap-kami-ng-tahanan-sa-gma

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305459/andi-nilinaw-na-hindi-siya-buntis-thats-my-postpartum-bump-dear

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending