Female personality ginagawang 'dolphin' ang dyowa | Bandera

Female personality ginagawang ‘dolphin’ ang dyowa

Cristy Fermin - January 10, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0415

SPELL I ang maraming nakakita sa isang female personality habang kasama ang lalaking nagpapaligaya sa kanya ngayon.

Masaya sila para sa babaeng personalidad pero kakambal nu’n ang pag-aalala, baka raw kasi pagsisihan niya ang kanilang relasyon sa bandang huli, nagmamalasakit lang naman sa kanya ang mga miron.

Sa isang sosyaling restaurant nila nakita ang magandang female personality na medyo nagkakaedad na. sa pag-upo pa lang niya ay nakaaksiyon na agad ang guy, inalalayan siya hanggang sa makapuwesto nang maayos, pero ang kasunod nu’n ang hindi nila kinaya.

Kuwento ng source, “Parang dolphin pala ang guy na kapag may ginagawang maganda, e, merong premyo. Di ba, ang show dolphins, kapag sinusunod ang instructions ng trainer nila, e, pinepremyuhan sila ng isda?

“Every action nilang maganda, meron silang prize na isda, di ba? Ganu’n din ang guy na karelasyon ng girl, kapag may ginagawa siyang maganda, may premyo naman siyang kiss sa girl!

“Nu’ng alalayan siya ng guy sa pag-upo, may kiss na premyo ‘yun after! Nu’ng lagyan siya ng wine sa glass niya, may premyo ring kiss ‘yun! Para talaga siyang dolphin, sa bawat gawin niyang maganda, may kiss siya kay ____ (pangalan ng medyo nagkakaedad nang female personality),” natatawang kuwento ng aming source.

Ma-PDA kuno ang magkarelasyon, hindi sila nahihiyang ipakita sa mundo ang kanilang pagmamahalan, ano bang maraming tao sa paligid nila?

Ano bang may matatandang napapayuko na lang kapag nakikita silang nagtutukaan na parang mga lovebirds? Queber! Wala silang pakialam!

Pagtatapos ng aming source, “Nakakaloka ang girl, kinakabog pa niya ang anak niya na hindi naman ganu’n kung makapag-display ng love niya sa mister niya!”

Getlak n’yo na ba kung sino ang bumibida sa kuwentong ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, go na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending