Regine magiging 2 na ang anak ngayong 2017
NADAGDAGAN man ang mother duties ni Regine Velasquez-Alcasid this year dahil sa pagtira sa kanila ng panganay na anak ni Ogie Alcasid na si Leila, may bago rin naman show siyang tinanguan sa GMA, ang weekend show na Full House Tonight.
Galing sina Regs at Ogs sa Australia kasama ang anak na si Nate, doon sila nag-celebrate ng holidays with the family of Michelle Van Eimeren. Balita namin, dito mag-aaral ang dalaga ng college. Sa post ni Songbird sa kanyang Instagram account, inihayag niya ang pagkatuwa sa pagtira sa kanila ni Leila.
“I’m excited to have you here sweetheart @leilaalcasid #intwoweeks #idontseeit #privatejoke!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.