Gay celebrity adik sa callboy, pero grabe sa kakuriputan' | Bandera

Gay celebrity adik sa callboy, pero grabe sa kakuriputan’

Cristy Fermin - January 02, 2017 - 11:37 AM

MABENTANG-MABENTA ang “karne” kahit wala sa palengke. Itinatawag lang ang bentahan, nagaganap sa telepono ang tawaran, ganu’n lang kasimple.
Kung paniniwalaan ang mga kuwento ay maraming kilalang personalidad ang “nagtitinda” ng karne nang patago. Pero ang lihim, gaano man katin-ding itago, ay umaalingasaw pa rin.
At may mga becki ring nakikipagtawaran ng “karne” ng mga kalalakihang guwapo sa telepono lang. Nagkakasundo muna sila sa presyo, pagkatapos nu’n ay ang delivery na, parang produkto na lang ngayon ang bentahan ng tawag ng laman.
May kuwento ang isang source tungkol sa isang pamosong becki na mahilig sa mga guwapong bagets. Mga maskuladong lalaki ang gusto niya, mas bata ay mas maganda, dahil hindi na masyadong bata ang becki.
“Ang lola n’yo, mga batambatang guys ang tipelya niya. Law of osmosis kumbaga, para masimsim niya ang kabataan ng lalaki dahil nagkakaedad na kasi siya.
“May suki siyang Boogie Wonderland (read: bugaw, pimp), para lang siyang umoorder ng siopao kapag nagtatawaran na sila, nakakaloka ang becking ‘yun!
“May kakuringan siya, hanggang makakaya niyang ligisin ang presyo ng mhin, gagawin niya talaga! Napakakuring ng lola n’yo!” natatawang kuwento ng aming source.
‘Yun daw kasi ang pampaalis niya ng stress dahil halos wala na siyang pahinga sa pagtatrabaho, ayaw niya ng basta masahe lang, kailangang batambatang guy ang magpakalma sa kanyang pagal na katawan at utak.
“Talagang palaging ganu’n ang ginagawa niya, pagkatapos ng kanyang pagtatrabaho, gegetlak siya ng mhin. Kung minsan nga, e, dalawa pa ang kinukuha niya, pahirapan lang sa presyuhan, dahil may garter ang bulsa ng lola n’yo sa kakuriputan!
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, panahon ngayon ng lola n’yo, marami siyang kinabog na kasabayan niya. At para mas mabilis n’yong mahulaan kung sino siya, mahilig siyang sumayaw!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending