Dahil sa takot kay Duterte, nagpaputok kumonti | Bandera

Dahil sa takot kay Duterte, nagpaputok kumonti

- January 01, 2017 - 08:06 PM

NANINIWALA si Health Secretary Paulyn Ubial na bumaba ang bilang ng mga biktima ng paputok dahil sa takot kay Pangulong Duterte.
“People are now afraid to light firecrackers because of the President. They have this impression that somehow they will get caught or they will be punished,” sabi ng opisyal.
Matatandaang sinabi ni Duterte na magpapa-labas siya ng kautusan para ipagbawal ang paggamit ng mga paputok sa bansa.
Sinabi pa ni Duterte na nababahala siya dahil karamihan ng mga nabibiktima ng mga paputok ay mga bata.
Inamin ni Ubial na bata pa rin ang karamihan ng mga nabibiktima ng mga paputok, kung saan tatlong taon ang pinakabatang naputukan sa kamay sa Cabanatuan.

Sa Davao City kung saan ilang taon naging alkalde si Duterte bago naging pangulo, ay ipinagbawal ang pagpapaputok tuwing Bagong Taon.

Sinasabi na posibleng isulong ang batas na tuluyang magbabawal sa pagppapaputok.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending