120th Rizal Day sa Luneta pinasaya ng PSC Laro’t-Saya | Bandera

120th Rizal Day sa Luneta pinasaya ng PSC Laro’t-Saya

Angelito Oredo - December 30, 2016 - 10:00 PM

MAAGA na pinasaya at nakihalo sa pag-oobserba ng ika-120th Rizal Day ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsasagawa ng family-oriented at community physical fitness development program nito na Laro’t-Saya sa Parke, Play ‘N Learn sa Burnham Green sa Luneta Park.

Maagang sinimulan ng PSC Laro’t-Saya ang mga itinakdang aktibidad sa paggunita nito sa araw ng kamatayan ng bayani na si Gat Jose Rizal kung saan dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas sa pinakamalaking bandila sa bansa bago nito sinundan ng pag-aalay ng bulaklak sa himlayan nito.

Pinasaya muna ng mga instructor ng popular na Zumba ang mga tagasunod ng programa na sinaluhan na rin ng mga namamasyal at nagsisipanood sa aktibidad habang ginaganap din ang dati nang isinagawang mga laro na volleyball, football at badminton.

Umabot naman sa kabuuang 159 katao ang nagsisali sa nasabing aktibidad kung saan lumahok ang mga ito sa badminton (13), football (34), volleyball (12) at Zumba (96).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending