Child star sa ‘Seklusyon’ isasabong ni Erik Matti kina Uge at Ate Guy
BILIB na bilib si direk Erik Matti sa child actress na si Rhed Bustamante na isa sa bida sa “Seklusyon”, one of the entries sa Metro Manila Film Festival 2016.
“We look at maybe around 20 to 30 kids. Mahirap kasi iba ‘yung hinahanap mo ‘yung kung ano ‘yung pino-project niya na essence. She comes highly recommended from my assistant director. Nakita niya early on ang batch ng actors na nag-audition so I tried her,” chika ni direk Erik.
“Ang unang tinitingnan sa bata ay kung kaya ba niyang sumunod ng direkyon kahit simple lang. ‘Upo ka diyan, tingin ka sa mata ko.’ Kung linga nang linga ang bata, gulo ‘yon pagdating sa set kasi hindi siya makasunod.
“This girl is really a professional. And ang biggest ta-lent ni Rhed ay kaya ko siyang timplahin, mataas, mababa, which for a young girl like her ay mahirap iyong tantiyahin, ‘di ba?
“I remember, nu’ng kinast sa Exorcist si Linda Blair ay kailangan nilang matured na mag-isip. Si Rhed can really think as an adult kaya madali mag-explain sa kanya. Siyempre maselan ang gagawin niya kasi pinapakita na baka demonyo siya. Mae-explain mo ba sa bata ‘yon na hindi siya maguguluhan,” paliwanag niya.
Sa huli, isang matinding papuri ang pinakawalan ni direk Erik.
“I really think na, of course there’s Nora Aunor and Eugene Domingo in the roster of films but Rhed is gonna give them a run for their money. Matindi talaga siya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.