Jessica Soho binisita si Santa Claus sa Finland | Bandera

Jessica Soho binisita si Santa Claus sa Finland

- December 11, 2016 - 12:25 AM

jessica soho

ISANG White Christmas Special ang hatid ng Kapuso Mo, Jessica Soho tonight!

Bumiyahe si Jessica Soho papuntang Arctic Circle sa Hilagang Europa para bisitahin ang inaasahang magiging isa sa top tourist destinations sa 2017 at isa sa mga nangungunang Christmas destinations sa buong mundo – ang Finland!

Matapos ang 16 oras na biyahe, tumambad sa KMJS team ang sub-zero na klima. At pagbaba pa lang sa airport, kapansin-pansin na ang pagpapahalaga ng mga Finnish sa isa sa pinakasikat na simbolo ng Pasko – si Santa Claus.

At sa Kakslauttanen Arctic Resort, pinatuloy mismo ni Santa Claus si Jessica sa kanyang tahanan!

Naririto rin sa Kakslauttanen ang milyun-milyong reindeers ni Santa. Dito sinubukan ni Jessica Soho ang pagsakay sa sleigh habang hila-hila ng mga reindeer.

Bibisitahin din ng KMJS ang pinakamalaking ski resort sa Finland, ang Ruka Ski Resort. Pero ang isa talaga sa sinasadya rito sa Lapland, Finland – ang Aurora Borealis o Northern Lights. Ito ang mga nagsasayawang ilaw sa kalangitan dulot ng banggaan ng solar winds sa kalawakan.

Kukumustahin din ni Jessica ang ilan sa mahigit 3,000 Pilipino na naninirahan at nagtratrabaho sa Finland.

May side trip pa ang programa sa bansang Norway para matikman ang sikat nilang king crabs na aabot ng hanggang dalawang metro ang haba at 16 kilo ang bigat. Pero bago ito matikman, kailangan daw ay ikaw muna ang manghuhuli sa mga higanteng alimangong ito!

Abangan lahat ‘yan sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ngayong gabi pagkapos ng Hay, Bahay! sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending