TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Vice President Rodrigo Duterte bilang Chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
“It is with a heavy heart that I accept the resignation of Vice President Leni Robredo,” sabi ni Duterte na ipinadala ni Communications Secretary Martin Andanar.
Natanggap ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang resignation letter ni Robredo ganap na alas-9:07 ng umaga.
Matatandaang sinabi ni Robredo na nagdesisyon siyang magbitiw matapos pagbawalan sa pagdalo ng mga pulong ng Gabinete.
“Your directive for me to desist from attending all Cabinete meetings has effectively made it imposible for me to do my job. Remaining in your Cabinet has become untenable,” sabi ni Robredo sa kanyang sulat kay Duterte na may petsang Disyembre 5, 2016.
Matatandaang sinabi ni Robredo na sinabihan siya ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco na pinasasabi sa kanya ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na bawal na siyang dumalo ng mga pulong ng Gabinete simula kahapon. (Bella Cariaso)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.