Barbie Forteza kilig na kilig kay Ivan Dorschner
EXCITED na si Barbie Forteza sa bago niyang primetime series sa GMA Telebabad, ang Meant To Be, kung saan apat nga ang magiging leading man niya – ang mga Kapuso actors na sina Ken Chan at Jak Roberto, at ang dating Kapamilya stars Addy Raj at Ivan Dorschner.
Ito rin ang magsisilbing reunion ng The Triplets na sumikat noong dekada 80 – ang tinutukoy namin ay sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner.
Ayon kay Barbie, isang advanced Christmas gift daw ng GMA 7 sa kanya ang Meant To Be dahil bukod sa mga bigating Kapuso stars ang makakasama niya sa serye ay ito rin ang magsisilbing return of the comeback niya sa primetime.
Nakachika namin si Barbie recently, at mariin niyang pinabulaanan na kinopya sa hit Taiwanese series na Meteor Garden ang Meant To Be.
“In fairness naman, lagi nilang sinasabi na para siyang Meteor Garden, pero hindi, eh. Kasi yung MG dalawa lang, sina Dao Ming Si at Hua Ze Lei ang nagpa-fight over sa girl.
“Ito literal na apat lang sila so it’s a lot different and Pinoy friendly kasi nga its more about family din and Billy (karakter niya sa serye) herself and sobra akong nagpapasalamat and I am very honored that they gave me the power to choose kasi parang we went through a lot of screen test with a lot of guys so I am very thankful na pinagkatiwalaan ako ng GMA to have a say in who I will be working with,” sey pa ni Barbie.
Paano niya ide-describe ang apat na ka-loveteam niya ngayon? “Sige isa-isahin natin. With Jak, lagi na natin siyang nakikita though personally ilang beses na rin naman din kaming naging pair, including sa pelikula naming ‘Laot’, siya yung asawa ko du’n and sa Maynila also. Sa Half-Sisters din. And it did workout. Management choice si Jak.
“Si Ken is my choice. He has been my friend for like four years na since Tween Hearts tapos sobrang pilyo niya. Kasi it’s important to me na maganda yung working relationship sa mga kasama ko sa trabaho. And Ken never ako nagkaproblem sa kanya. Napaka-professional nya and alam naman nating lahat na award winning actor na sya.
“Ayun it’s my pleasure to work with him again. Naninibago lang ako na bad boy yung image niya kasi pag magkakasama kaming tweens lagi siyang good boy ganyan so ngayon kasi yung role nya medyo bad boy kaya madalas siguro yung mga bloopers will be from him. Ha-haha!
“And Addi, he’s really charming. Ano siya bungisngis but very polite. And hindi siya natatakot mag-Tagalog kahit mali-mali yung grammar kasi nga gusto niyang ma-adapt yung mga ginagawa natin, yung salita natin, so kahit na foreigner sya pinilipit nyang makiisa sa atin. Pure Indian siya, eh, exchange student sa Ateneo,” sey pa ng dalaga.
“Si Ivan naman, napakagwapo, di ba? Oh, my God na-stress ako! Ha-hahaha! Saka nagkatrabaho na kami sa Maynila before and he’s always been very nice and napaka-gentleman for a foreigner. Kasi di ba, ine-expect natin ang mga sweet, gentleman mga Pinoy kasi ganu’n tayo eh. Pero si Ivan never ko siyang nakitang arogante. Napaka-professional and as a person he’s very sweet, napaka-soft ng personality niya and meron siyang mysterious side.
“Actually, parang lagi noya akong tinitingnan na parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi ko alam kung ano, either good or bad hindi ko alam. Pero lagi siyang naka-smile, lagi siyang masaya.
Napaka-professional din niya and I’m really excited to work with him again. So all in all, sobrang happy ako na sila yung makakasama ko,” kinikilig pang chika ni Barbie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.