Sen. Villanueva nasaktan sa desisyon ng Ombudsman matapos siyang sibakin
INAMIN ni Sen. Joel Villanueva na nasaktan siya sa naging kautusan ng Office of the Ombudsman matapos siyang sibakin sa puwesto kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng kanyang pork barrel ng siya ay kongresista pa.
Sa kabila ng kautusan ng Ombudsman, dumalo pa si Villanueva sa sesyon ng Senado.
“Importante na patuloy nating respetuhin yung ating sistema bagamat aaminin ko po na talagang nakapanggagalit, nakapanglulumo itong mga ganitong balita pero alam natin yung calling natin kaya tayo narito,” sabi ni Villanueva.
Iginiit naman ni Villanueva na inosente siya sa kasong kinakaharap.
“To this day, I still maintain my innocence,” ayon pa kay Villanueva.
Iginiit ni Villanueva na wala siyang tinanggap na pork barrel ng siya pa ay kongresista.
Aniya, kabilang siya sa minorya sa Kamara kayat wala siyang tinanggap na pork barrel.
“Hind ko rin alam hanggang sa ngayon kung saan galing ang pondo na ito at anong nangyari dito. Dapat maparusahan yung mga salarin dito at muli hindi po ito maa-address ng isang witch hunt,” aniya.
Naghain si Villanueva ng motion for reconsideration kaugnay ng kautusan ng Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.