Retokadang aktres feeling sikat, walang respeto sa katrabaho | Bandera

Retokadang aktres feeling sikat, walang respeto sa katrabaho

Cristy Fermin |November 11,2016
facebook
share this

Retokadang aktres feeling sikat, walang respeto sa katrabaho

Cristy Fermin - November 11, 2016 - 12:45 AM

BLIND ITEM FEMALE 0316

MARAMING kasamahan niyang artista ang naloloka sa pagiging sobrang feeling sikat ng isang female personality. Ramdam na ramdam ‘yun, ang pakiramdam ng girl ay super-sikat na siya, kaya ganu’n na lang siyang makaasta.

Matagal nang ganu’n ang mga kuwento tungkol sa hindi pa naman nagkakaedad na aktres pero hindi na rin bagets, kung makaporma siya ay parang may sarili siyang mundo, kaya maraming naiinis sa kanya.

Mapaklang komento ng aming source, “Aber, ano na ba kasi ang napatunayan ng hitad na babaeng ‘yun?

May pelikula na ba siyang pinilahan sa takilya? May serye na ba siyang nagtagal?

“Kung makaasta ang babaeng ‘yun, e, para bang poste na siya sa network na pinagtatrabahuhan niya! Hooooyyyy!!!!” inis na reaksiyon ng aming impormante.

Wala kunong ka-PR-PR ang babaeng ito. Kapag dumarating siya sa set ay dire-diretso lang sa kanyang waiting area, ni hindi man lang siya bumabati sa mga kasamahan niyang artista at staff at crew ng produksiyon, feeling na feeling talaga siya.

“Naku, akala mo kung sino ang babaeng ‘yun! Nagkaepekto kaya sa ugali niya ang pagpapa-enhance niya ng nose niya? Look n’yo ang ilong niya, parang wala nang butas, nakahihinga pa kaya siya?

“Pinagpipistahan kaya siya sa mga umpukan! Palagi siyang bumibida sa mga kuwentuhan dahil sa ganu’ng ugali niya. Nakakaloka siya, e, ano ba ang nangyari nu’n sa ilusyon niyang maging sikat na singer?

“Kundi pa namigay ng mga ticket ang family niya, e, may manonood sa kanya? Mahirap kumanta sa harap ng mga silya, ‘yun siguro ang naisip ng mga prodyuser niya, kaya binaratilyo na lang nila at ipinamigay ang mga tickets sa show kuno niya!

“Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan pa bang i-memorize kung sino ang feeling na itey? Naman!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending