Trio milyonaryo, libro nina Ethel at Brod Pete sa ‘KMJS’ | Bandera

Trio milyonaryo, libro nina Ethel at Brod Pete sa ‘KMJS’

- November 06, 2016 - 12:30 AM

ethel booba at brod pete

TRIO milyonaryo, mga libro tungkol sa social media posts, at mga asong sabay-sabay na pinapasyal—ilan lamang ang mga ito sa mga kuwentong tampok ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Magkakalaban sila sa game show na Wowowin subalit para mapanalunan ang mega jackpot na brand new car, isang milyong piso at house and lot, kinailangan nilang magsanib-pwersa. At sinuwerteng tinamaan nila ang jackpot. Paano nga ba nila paghahati-hatian ang mga premyo?

Samantala, tila nauuso ngayon ang pagsasalin sa libro ng social media posts o tweets na ang may akda ay mga komedyante, celebrities, at iba pang social media influencers. Sisilipin ng KMJS ang ilan sa mga ito kasama na ang librong “#Basa” ni Brod Pete, ang “Charotism” ni Ethel Booba, at “Lakompake” ni Senora Santibañez.

Sa Cebu naman, isang grupo ng mga estudyante ang sinorpresa ang isang lolo sa bangketa sa ika-97 kaarawan nito, kahit na hindi naman nila ito kadugo. Bagamat tuwang-tuwa si Lolo Alfredo sa pagmamahal na pinapakita sa kanya ng mga ito, ang kahilingan niya raw sa kanyang kaarawan ay makita ang kanyang dalawang anak na mahigit tatlong dekada na siyang walang balita.

Marami ang humanga sa video ni Jerry kung saan pinapasyal niya ang 13 niyang mga aso. At kahit mahigit isang dosena ang kanyang mga alaga, kahanga-hangang disiplinadong-disiplinado ang mga ito.
Lahat ‘yan ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, after Hay, Bahay! sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending