“Bahala sila sa buhay nila.”
DEDMA si Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa mga kritisismo ni US Senator Ben Cardin kaugnay ng madugong giyera ng Pilipinas kontra droga, matapos tutulan ang pagbebenta ng Amerika ng 27,000 assault rifle sa PNP dahila umano sa paglabag sa karapatang pantao ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Kung ang reason nu’ng US senator ay human rights violations, that is his opinion. Bahala siya kung anong desisyon ang gagawin nila doon,” sabi ni dela Rosa sa panayam ng DZBB.
Idinagdag ni dela Rosa na hindi mamimilit ang Pilipinas kung hindi pagbibilhan ng US.
“Tayo naman ang bibili. It’s not the loss of the buyer but the loss of the seller,” sabi ni dela Rosa.
Inaantay pa ng PNP ang abiso mula sa nanalong bidder.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.