KRIS kinukundisyon na ang utak ng mga pinoy para sa pagtakbong PRESIDENTE sa 2016 | Bandera

KRIS kinukundisyon na ang utak ng mga pinoy para sa pagtakbong PRESIDENTE sa 2016

- April 28, 2013 - 05:32 PM

kris aquinoGinamit na naman daw ang mga pobreng empleyado ng ABS-CBN

MARAMI ang nagtaasan ang kilay sa reason diumano ni Kris Aquino kung bakit hindi niya itinuloy ang pagre-resign sa showbiz.

Ayon sa lola n’yo, marami raw kasing mawawalan ng trabaho (lalo na ang staff ng KrisTV) at ayaw niyang magutom ang pamilya ng mga ito.

Kung sa point, may point naman, alam naman natin iyon na kapag tinotoo nga ni Kris ang pagre-resign from her TV shows ay marami talagang empleyado ng network ang madi-displace.

Pero nobody believed her when she said this as her reason.

Kasi nga, iba naman ang tunay na dahilan kung bakit nagbitiw siya ng salitang magre-resign siya noon, di ba?

Dahil ayaw niyang mapahiya ang kapatid niyang pangulo ng bansa sa mga kinasasangkutan niyang mga kontrobersiya – and her eating up to her words was not primarily because of her concern na baka mawalan ng trabaho ang staff niya.Puwede pang sabihin niyang nabigla lang siya or nanghinayang sa milyon-milyong kikitain niya habang siya ay sikat na sikat pa and in power pa sa pamahalaan ang pamilya niya.

Kumbaga, pakakawalan pa ba niya ang napakagandang pagkakataong ito, na lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.

Na she gets every show that she wants.

That she gets the endorsements that she wants.

‘Yung concern niya for her staff definitely came after na, para magpabango ulit ng image niya sa public.

Siyempre nga naman, sa pagsabi niyang ayaw niyang magutom ang pamilya ng bawat staff niya sa KrisTV kung magre-resign siya, she gets public sympathy again, sasabihin ng mga tao na “Ang bait naman ni Kris.

Kita n’yo naman, ayaw niyang mawalan ng trabaho ang staff niya, ayaw niyang may nagugutom na pamilya!” Na para sa iba ay isang malaking ka-echosan. Ha-hahahaha!

“She’s just preparing or conditioning the minds of the public dahil sa kanyang political ambition.

Hindi nga ba’t tatakbo raw itong pangulo ng Pilipinas sa 2016 kaya mag-aaral daw ng Public Administration sa ibang bansa.

“Para naman kayong bago nang bago kay Kris.

Kayo ba ay papayag na siya ang magiging pangulo ng Pilipinas sa 2016?

Hindi pa ba kayo natatauhan sa pamamalakad ng kapatid niya ngayon?

Gusto n’yo pa rin ba ng another Aquino na mag-lead sa bansa natin?

“Kami kasi sukang-suka na. Bahala kayo kung gusto n’yo pa rin ang mga Aquino,” anang isang malditang friend namin.

Kung ako ang tatanungin, siyempre hindi na.

Puwede pa sigurong maging senadora si Kris para may makasama si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Senate.

Kailangan ang ingay nilang dalawa ni Kris doon para hindi makagawa ng maraming krimen ang iba pang nakaupo sa pwesto.

Pero hanggang doon lang ang nakikita kong effectiveness ni Kris, but not by becoming president of the country – kawawa ang bansang ito pag si Kris ang naging pangulo.

By then ay balik-probinsiya na lang siguro ako at magtatanim ng kamote, literally.

After all, I enjoy farmlife naman.

“Naniniwala pa ba kayo kay Kris?

Tama na ‘yung napapanood natin siya with all her kaartehan, tama na yun.

Pero para seryosohin pa siya, it’s a waste of energy.

Just let her do her thing, hayaan na lang natin siya sa bratty style niya.

Hindi naman tayo forever sa mundo, we will all pass anyway,” matter of factly na sabi ng isang friend namin.

Tama! Tingnan nga natin kung merong lalagpas sa 125 years ang buhay sa mundong ibabaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lahat naman ng ito ay very temporary lang. Kaya give it to her na lang, ok? Eiwwwww!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending