Recto sinabing nakaaalarma ang lawak ng emergency power para kay Duterte
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senate Minority Leader Ralph Recto sa lawak ng emergency power na hinihing ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos aminin ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na gagamitin lamang ito sa Metro Manila at iba pang piling lungsod sa buong bansa.
“It would appear that what you want is emergency powers for the entire country—land sea and air— geographically for the entire country. Is that the intention of the DOTr? Is that what you actually requesting for? Kasi kung ganun parang walang focus,” sabi ni Recto.
Sinabi ni DOTr Undersecretary Raoul Creencia na layunin ng panukalang batas na masolusyunan ang problema sa trapik sa Metro Manila at sa mga urban cities kagaya ng Cebu, Davao.
“Malawak na malawak yung kapangyarihan na nilalagay nyo dito at nakakabahala kung wala talagang plano talaga,” giit ni Recto.
Kinuwestiyon din ni Recto kung saan kukunin ng DOTr ang pondong gagamitin para ipatupad ang mga proyekto sa ilalim ng emergency power ni Duterte na tinatayang aabot sa P1.3 trilyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.