‘Serial killer’ tag vs Duterte umani ng reaksyon sa mga senador
UMANI ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga senador ang bansag ng isang pahayagan sa France kay Pangulong Rodrigo Duterte na ‘serial killer president.’
Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na masama lamang ang pag-i-Ingles ng mga taga-France.
“Hindi lahat ng Frances na dyaryo, marunong ng English. Mali ang English nila,” sabi ni Sotto.
Umalma naman si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa bansag na ‘serial killer’ kay Duterte.
“I think that’s unfair because did they conduct any in-depth investigative work before they came up with their conclusion,” ayon kay Pimentel.
Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na sobra ang bansag na “serial killer” kay Duterte.
“I think it’s unfair to tag our president as a serial killer. Maski sinong Pilipino ke bumoto sa kanya ke hindi, hindi naman maganda pakinggan na inaakusahan na serial killer ang ating Pangulo, just because 3000 suspected drug pushers napapatay so far,” sabi ni Lacson.
Ipinagtanggol naman ni Sen. Leila de Lima na ginagawa lamang ng international media ang kanilang trabaho na iulat ang kanilang nakita at narinig, partikular ang testimonya ng umaming dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na si Edgar Matobato.
“The local media of foreign countries and the international press are not deaf and dumb. Precisely to report the news is their job, rather than fabricate it,” sabi ni de Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.