Sexy actress na si Krista Miller huli sa drug operation | Bandera

Sexy actress na si Krista Miller huli sa drug operation

- October 03, 2016 - 12:43 PM

krista miller

ARESTADO ang sex actress na si Krista Miller matapos ang isinagawang buy-bust operation noong Biyernes.
Inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) director Senior Supt. Guillermo Eleazar kahapon na nahuli si Miller, Krystalyn Engle sa tunay na buhay, kasama sina Jeramie Padolina at Liaa Alelin Bolla, na nag-pose sa sikat na men’s magazine na FHM, sa magkakahiwalay na operasyon nitong weekend.
Matatandaang naugnay si Miller sa isang convicted drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP.
Noong Biyernes, naaresto ng mga miyembro ng District Anti-Illegal Drugs Division sina Padolina, Bolla at tatlo pang lalaking suspek sa isang buy-bust operation sa kahabaan ng A. Luna st. sa Barangay Bagumbuhay, Project 4, Quezon City.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga miyembro ng QCPD matapos makatanggap ng impormasyon na naging dahilan ng pagkakaaresto ni Miller at kanyang kasamang si Aaron Medina, kapwa 26, ng Brgy. Gen. Tiburcio de Leon sa Valenzuela City.
Si Miller ang sinasabing starlet na bumisita sa drug lord na si Ricardo “Chacha” Camata sa isang ospital sa labs ng Bilibid.
Napag-alaman na nagdadala si Camata ng mga starlet at dancer sa loob ng kanyang kuwarto sa ospital sa Metropolitan Medical Center sa Maynila matapos siyang isugod sa ospital noong Mayo 28 dahil sa karamdaman sa baga.
Si Camata ang lider ng notoryus na Sigue-Sigue Sputnik Gang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending