Mag-asawang Yeng at Victor gagawin ang unang baby sa New Zealand
KUNG kami man si Yeng Constantino, tatayo talaga ang balahibo namin at hahagulgol sa saya habang pinapanood ang musical play na “Ako Si Josephine” kung saan inilapat ang mga kanta niya sa mga eksena sa stage.
Mapa-proud ka talaga as composer habang pinapanood at pinakikinggan ang bawat lyrics ng ginawa mong mga kanta. For sure, mas lalong na-realize ni Yeng kung gaano talaga kaganda ang compositions niya. Buti na lang at hindi namin pinalampas ang special preview ng “Ako Si Josephine” para sa media at show buyers sa PETA Theater Center last Tuesday. Bago mag-start ay namataan namin doon ang theater actor na si JC Santos at Cornerstone talent na si Nicco Manalo.
At habang busy si Yeng sa pagpapainterbyu sa TV crew ay pormal kaming nagpakilala sa mister niyang si Victor “Yan” Asuncion. Matsika rin pala si Yan at hindi naman ganoon masyadong shy.
Inalam namin if true na okey lang sa kanya na hindi muna sila magka-baby ni Yeng this year. Okey naman daw sa kanya dahil busy pa si Yeng sa career.
And at the same time, gusto raw nilang mag-enjoy sa kanilang pamamasyal sa iba’t bang bansa na sila lang dalawa muna. Baka hindi na rin daw nila magawang magbakasyon abroad kapag meron na silang anak.
Sa December ay nakaplano na ang pagpunta nina Yeng at Yan sa New Zealand. This time, gusto naman daw nilang mag-nature tripping kaya doon nila gustong mamasyal. Feeling namin doon na rin nila gagawin ang kanilang first baby.
After that, Yeng joined sa aming tsikahan with her hubby. True pala na magkamag-anak sila ni Robi Domingo. Magkapatid daw ang kanilang mga lolo kaya ang complete name niya before she got married ay Josephine Eusebio Constantino.
Anyway, watch na kayo ng “Ako Si Josephine” sa PETA Theater Center. Nag-start na ang musical play last Sept. 8 and it will run until Oct. 9.
May enough time pa kayo para mag-set ng schedule with your family and friends para sabay-sabay manood. Tickets are available at Ticketworld (891-9999) or visitwww.ticketworld.com.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.