Kris bahagi na lang ng nakaraan ni Ai Ai…at ayaw nang balikan pa
NAKIKINI-KINITA na namin ang tiyak nang senaryo with Kris Aquino setting foot on GMA soil, where FATE would allow something that’s bound to happen anyway: ang pagkikita nila ng dating BFF na si Ai Ai delas Alas.
Sa parte ni Kris who’s a virtual alien in a territory, du’n masusukat ang kanyang adaptability at the same time her open mind to explore the unfamiliar. Dahil panibagong mundo, Kris has to alter whatever cultural mindset she had of GMA, no such mental comparison to her former mother network.
Kasama siyempre rito ang pakikibagay sa mga tao probably made of the same work ethic stuff pero magkaiba ng atake as dictated by the network creed. By tao, we don’t mean just those people involved in production kundi maging mga makakatrabahong artista whose personality traits are just as diverse and multi-cultural.
Sa kanilang dalawa ni Ai Ai na noong isang taon pa nakalipat sa GMA, the ace comedienne has long before adjusted to the station’s cultural nuances. And by virtue ‘ika nga of seniority in resettlement, Ai Ai comfortably sits on the throne while Kris is her subject.
If this is the royal-like scenario, mas may responsibilidad si Kris to be able to narrow their gap if she wants their friendship rebuilt. Tama at marespeto lang ang evasive stance ni Ai Ai when bombarded with a barrage of questions tungkol sa paglipat ni Kris sa GMA marking the first anniversary of her Sunday show.
Aniya, sa mundong ito ay may mga katanungan na wala namang sagot, and let it remain that way. Ai Ai owes no one any answer sa tanong, mas si Kris ang may dapat isagot knowing that under any given circumstance, her talking mind never ceases to function.
Eh, ‘yun ngang mga bagay-bagay tungkol kay Kris which the public doesn’t take interest in ay nakukuha niyang ikuda nang walang nang-uusisa, eto pa kayang tungkol sa dati niyang BFF? Kris can rant and rant for all Ai Ai cares. Kung meron mang saloobin si Ai Ai, literal na kikimkimin lang niya ‘yon or she’ll be buried with it unshared.
Maliwanag na maingat na ngayon ang hitad, short of sa-ying that she has learned a lesson or two on friendship, or animosity for that matter. Oo nga naman, the more Ai Ai talks about Kris, the more she realizes na mahigit isang taon na siya sa GMA yet she hasn’t moved on with her life a bit.
Bahagi na lang si Kris ng kanyang nakaraan, na hindi na kailangan pang linguning muli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.