DJ Karen hinamon: Magpa-drug test ka, now na!
LAMAN ng social media kahapon ang kilalang DJ na si Karen Bordador (ng RX 93.1 FM) na kasama sa inaresto noong Linggo sa isang condominium na pag-aari ng boyfriend niyang si Emilio Lim.
Ayon sa balita, gumagamit din ng pangalang Edwardo Cruz si Emilio Lim at diumano’y nagsu-supply daw ng drugs sa mga high-end clubs sa Bonifacio Global City o BGC.
Maraming nakikinig kay Karen bilang host ng programang “The Morning After with Karen” na napapakinggan tuwing 2 a.m. kaya naman maraming nagulat sa pagkakaaresto sa kanya. Base sa pahayag ni Karen sa 24 Oras, “Wala po akong ginagawa bumisita lang ako,” sa bahay daw ng kanyang boyfriend.
Ang masaklap, hinusgahan agad ng netizens si Karen, dahil imposible raw na wala siyang alam sa ginagawa ng kasintahan. May nagsabi rin sa kanya na basahin ang Republic Act 9165.
Ipinagtanggol naman si Karen ng isang Janice Racelis, “Wow people get the news so twisted! Karen Bordador wasn’t selling drugs. She was just visiting her boyfriend when he got busted.”
Sabi ni @i_am_tes_anne, “Are there any official statement from RX 941 regarding accusations of drugs by Karen Bordador? This is so surprising.”
Katwiran naman ni @weinsworld, “When you’re in a relationship, is it possible that you don’t know the sneaky business of your other-half Karen Bordador#QuestionsAboutLove.”
Sabi naman ni Chris Soriano, “She didn’t know about her boyfriend’s drug activities? 3 M, drug-paraphernalia, drugs inventory?”
Sabi naman ni Alfonsen Losbanes, “Guys, read RA 9165 kahit na bisita ka lang basta’t alam mong den ng drugs ‘yung pupuntahan ay ikukulong ka pa rin kaya patunayan na lang niya iyan sa court.”
Payo naman ni Joel Gonzales, “To get rid of any speculation and harsh judgement ask Karen Bordador if she is willing to undergo a drug test knowing that her business is into staying up late until the wee hours of the night till morning. My advice don’t waste your life… Tell the TRUTH.”
Bukod sa pagiging DJ ay nakilala rin si Karen ng publiko noong sumali siya sa reality show na I Do hosted by Judy Ann Santos kasama ang ex-boyfriend niyang si Chris Tan. Sila ang unang nag-quit sa programa dahil hindi pa raw sila handang magpakasal hanggang sa naghiwalay na rin ng tuluyan. Napasama rin siya sa FHM 100 sexiest women.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.