Misis na may kabit bibida sa ‘Mano Po 7’ | Bandera

Misis na may kabit bibida sa ‘Mano Po 7’

Reggee Bonoan - August 07, 2016 - 12:25 AM

jean garcia at richard yap

FINALLY, muling mapapanood ang franchise ng “Mano Po” sa 2016 Metro Manila Film Festival ng Regal Entertainment nina Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde-Teo.

Ang “Mano Po 7” ay pagbibidahan nina Richard Yap, Jean Garcia, Jana Agoncillo, Janella Salvador, Enchong Dee at iba pa mula sa direksyon ng true-blooded Chinoy na si Ian Lorenos.

Si direk Ian ang siya ring direktor ng mga pelikulang “Saturday Night Chills” nina Matteo Guidicelli, David Chua at Rayver Cruz, “Alagwa” ni Jericho Rosales at “The Leaving” nina LJ Reyes, LJ Moreno, Acey Aguilar at iba pa.

Detalyado ang presentation ni direk Ian sa magiging takbo ng kuwento ng “Mano Po 7” dahil ipinakita pa niya kung paano ito isu-shoot sa iba’t ibang lugar sa China. May kukunan ding mga mahahalagang eksena sa Binondo kung saan nakatira ang karakter ng mga bida.

Sa ibang “Mano Po” series ay may ibang asawa ang padre de pamilya, pero sa “Mano Po 7” ay iniba ni direk Ian ang tema dahil ang babaeng asawa na gagampanan ni Jean ang may kalaguyo samantalang ang asawang si Richard ay loyal sa kanya.

Si Richard ang kauna-unahang bidang lalaki sa franchise ng “Mano Po” dahil akma raw sa aktor ang role dahil purong Chinese nga sabi ng mag-inang Mother Lily at Roselle.

Si Richard ang gaganap bilang si Wilson Tan na maganda ang katayuan sa buhay pero nabago ang lahat nang mamatay ang kanyang amang bilyonaryo at siya na ang tumayong padre de pamilya.

Gaano kalapit sa aktor ang papel niya sa “Mano Po 7”? “Hindi naman in real-life, pero nakikita ko sa ibang Chinese families na may ganu’n, so may background ako.

“Wala rin akong naranasan na ganu’n tulad nu’ng unhappy childhood, pero may kaibigan akong naranasan ang ganu’n at nakikita ko kung paano nangyayari talaga,” kuwento ng aktor sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending