Ronnie Quizon minumulto ni Dolphy; planong ilipat ng libingan | Bandera

Ronnie Quizon minumulto ni Dolphy; planong ilipat ng libingan

Julie Bonifacio - July 28, 2016 - 12:30 AM

ronnie quizon

NAKATUTOK ang buong bansa sa kauna-unahang SONA ni Presidente Rody Duterte last Monday. Sakto sa araw ding ‘yon ang kaarawan ng nag-iisang Hari ng Komed- ya na si Dolphy.

Turning 84 years old si Dolphy when he died last July 10, 2012. After four years, ramdam na ramdam pa rin ng pamilya niya ang kanyang paglisan. Noong nainterbyu namin ang anak niyang si Ronnie Quizon sa presscon ng latest indie film niya na “Pusit” sa direksyon ni Arlyn dela Cruz mula sa Pantomina Films at Blank Pages Production napag-usapan namin ang tungkol sa libingan ng kanyang daddy.

May plano silang magkakapatid na ilipat ang mga labi ni Dolphy sa lupa na pag-aari ng tatay nila. May sinasabing malaking lupa sa may Tanay si Ronnie na pag-aari ng Comedy King. Naisip daw nila ng utol niyang si Eric Quizon na doon ilipat ang labi ni Dolphy pati na ang museo na paglalagyan ng lahat ng memorabilia ng Co- medy King. Alam ng marami na pag-aari ng ex-live-in partner ng Comedy King na si Zsa Zsa Padilla ang lupa na pinaglagakan ng labi ni Dolphy sa Heritage Park.

After four years, sobrang miss pa rin daw ni Ronnie ang kanyang daddy. Lagi niya itong naaalala pero hindi naman umiiyak araw-araw. “In fact, maski ‘yung dinadalaw niya ako (sa panaginip), masaya lagi, kasi ayaw niya ng malungkot e. Nagpaparamdam siya sa akin,” kwento ni Ronnie.

Minsan, bigla na lang daw tumalsik yung cellphone niya at noong nanalo siya ng Best Actor sa Barcelona for the movie “Rekorder,” ramdam daw niya na niyakap siya ng daddy niya sa panaginip bilang pagbati sa pagkakapanalo niya.

Samantala, malaking hamon naman kay Ronnie ang papel niya bilang closet gay sa indie film na “Pusit” kung saan kasama rin sina Jay Manalo, Kristoffer King at iba pa. “Basically, ‘yung movie, iba-ibang characters. Pero ang central theme ay yung AIDS at HIV. Gay ako rito na medyo may na-achieve na pero clo- set.

“So if you’re looking for me playing ‘yung parang all-out Roderick Paulate or Vice Ganda, hindi ganoon. Hindi rin ako HIV victim but I’m in love or related to an HIV patient,” ani Ronnie. Malapit nang mag-showing ang “Pusit” kaya abangan n’yo yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending