Solenn planong magka-baby sa edad na 33: Walang choice ang asawa ko, katawan ko ‘to!
FEEL na feel ni Solenn Heussaff ang kanyang karakter bilang si Cassiopea sa requel ng fantaseryeng Encantadia na nagsimula na last Monday sa GMA Telebabad.
Hindi rin daw kasi biro ang training na pinagdaanan niya tulad ng iba pang karakter sa serye, kabilang na nga riyan ang apat na Sang’gre na sina Glaiza de Castro (Pirena), Sanya Lopez (Danaya), Kylie Padilla (Amihan) at Gabbi Garcia (Alena).
Bukod sa maaaksiyong eksena sa Encantadia, enjoy din daw si Solenn sa kanyang mga dialogue sa serye, lalo na kapag ginagamit na niya ang lengguwahe ng mga diwata sa kaharian ng Encantadia na tinatawag na “Nchan”.
“Mahirap siya! Sa umpisa na-excite ako, ‘Uy wala akong lines dito, puro mata.’ Tapos nakita ko ‘yung script, sabi ko, ‘Direk, kailangan ko bang i-memorize ‘to?’ Sabi niya, ‘Kung kaya mo, gawin mo.’ So ‘yun, nag-concentrate ako. Ngayon mas napi-feel ko ‘yung language ng Nchan,” aniya.
Dugtong pa ni Solenn, “May mga words talaga na may meaning so mas madali ngayon. Pero I still need to sleep on it mga two to three nights. Mahirap kapag on the set, iba ‘yung line mo, in Nchan. Hindi ko kaya. Kailangan two to three days.”
Mas nahahahasa na rin daw ngayon ang kanyang Tagalog, “Ngayon may hanggang Week 6 ako, so nagme-memorize na ako. Tapos may lines din ako in Tagalog. Kahit hindi ako magsasalita in Tagalog, nagme-memorize na rin ako para i-practice ko rin ang Tagalog ko.”
Inamin din ng Kapuso actress na pressured din siya sa pag-maintain ng kanyang katawan ngayon, “Nakita n’yo naman ang mga sexy ladies ng Encantadia, di ba? So bawal tumaba hangga’t hindi natatapos. “But that’s part of the job pero mas nakaka-pressure sa kanila kasi kita ang mga tiyan nila sa warrior costumes nila,” chika pa ng aktres.
Samantala, kinumusta naman ng press si Solenn ngayong married na siya, may nagbago ba sa kanyang pagtatrabaho ngayong may asawa na siya? “Back to work naman ako. I was working before I left and nung bumalik ako. Walang change.” Ano ang reaksiyon niya sa patuloy niyang pagpapaseksi? “Si Nico alam niya na when he met me ganito na ako, na mahilig akong magpakita ng balat. Sanay naman siya.”
Kailan nila balak magka-baby? “Not any time soon. Baka when I’m 33. Wala siyang choice. Katawan ko ito! Ha-hahaha!” Samantala, nag-trending naman sa social media ang official hashtag sa pilot episode ng serye na #Encantadia. Kanya-kanyang komento ang mga netizens matapos ang unang pasabog ng Encantadia.
Karamihan sa mga nakapanood ay pinuri ang special effects ng fantaserye under the direction of Mark Reyes. Hindi pa lumalabas ang karakter ng apat na Sang’gre kaya umaasa ang mga bossing ng GMA na mas lalong tataas ang rating ng Encantadia sa mga susunod pang episodes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.