PAGKATAPOS kastiguhin ang Party Pilipinas at ASAP 18, ang susunod na target ng MTRCB – ang Wowowillie ni Willie Revillame sa TV5.
Ayon sa pamunuan ng MTRCB sa pamumuno ni Chairman Eugenio Villareal, matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga manonood, tinawag agad nito ang atensiyon ng mga bossing ng Kapatid Network para magpaliwanag sa naganap na insidente sa Wowowillie.
Ito nga ay may kinalaman sa ginawang panenermon ni Willie sa kanyang dalawang co-hosts na sina Ethel Booba at Ate Gay sa mismong programa nila noong Feb. 28.
Sa episode na ito pinagsabihan ni Willie ang dalawang komedyante na huwag naman daw siyang bastusin at matuto naman ang mga ito na respetuhin siya.
Balitang sinigaw-sigawan daw ni Ethel si Willie sa dressing room ng Wowowillie matapos silang matalo ni Ate Gay sa isang contest ng show.
Dahil dito tinanggal na sa programa ang dalawa.Sa mga naging tweet ng ahensiya sinabi nito na, “MTRCB today summoned TV5 to a gender-sensitivity and decorum inquiry” next week.
Bukod dito, aalamin din ng MTRCB ang “over-all portrayal of women in the show.”
Bago nga ito, pinagpaliwanag din ng ahensiya ang GMA 7 dahil sa diumano’y mahalay na production number nina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Party Pilipinas na sinundan naman ng ABS-CBN dahil sa production number naman ni Anne Curtis sa ASAP 18.
Ngayong Linggo, nakatakdang um-attend ng gender sensitivity seminar ang mga taong involved sa opisina na MTRCB kasama ang mga opisyal ng Philippine Commission on Women.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.