‘Ignacio de Loyola’ na pinuri sa Vatican ipalalabas na sa Pinas
ISA pang pelikulang tinang-kilik sa ibang bansa ang malapit nang mapanood sa Pilipinas.
Ipalalabas ang “Ignacio de Loyola,” ang kauna-unahang pelikulang gawa ng Pilipino na napanood sa Vatican, sa Hulyo 23 sa The Theater ng Solaire Resort and Casino, sa Parañaque City sa isang fund-raising dinner na inorganisa ng alumni ng Ateneo de Manila University para sa mga benepisyaryo ng Jesuit Infirmary at Jesuit Scholastics sa Pilipinas.
Ang special screening ng obrang ipinrodyus ng Jesuit Communications (JesCom) tungkol sa buhay ng nagtatag ng orden ng mga Heswita, o Society of Jesus, na si San Ignacio de Loyola ay magsisimula sa ganap na 4 p.m..kung saan live na tutugtugin at aawitin ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra at ng Ateneo Chamber Singers sa ilalim ng direksyon ni Gerard Salonga, ang musikang ginamit sa pelikula na gawa naman ni Maestro Ryan Cayabyab.
Ang “Ignacio de Loyola The Movie” ay isang modernong pagkukwento ng buhay ng kauna-unahang Heswita na kilala rin sa bansag na “Saint of Second Chances.” Mapapanood rito kung paano nagkaroon ng direksyon at realisasyon ang isang makasalanang tao na ang pinakamabibigat na laban ng buhay ay sa loob lamang ng sarili.
Si Ignacio ay Isang makamundong sundalo noon na sumuko sa kanyang pa-ngarap maging tanyag na kabalyero pagkatapos masaktan sa giyera. Sa kanyang pagpapagaling, tinatag niya ang orden ng mga Heswita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.