PNoy at Duterte magkakaroon ng one-on-one meeting sa Huwebes
MAGKAKAROON ng one-on-one meeting si Pangulong Aquino at President-elect Rodrigo Duterte bago ang departure honors para sa outgoing president sa Huwebes, ayon sa Palasyo.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na itinalaga ni Aquino sina Ambassador Marciano Paynor Jr. at Presidential Protocol Office head Ambassador Celia Anna Feria bilang kinatawan para sa mga preparasyon sa isasagawang inagurasyon.
“Traditional kasi ‘yung pagkikita ng Pangulo na magtatapos ng kanyang termino doon sa Pangulong magsisimula ng kanyang termino pagkatapos manumpa. They will have a one-on-one meeting inside the Palace after which President Aquino will move downstairs to the Palace grounds where he will be given departure honors and then he will troop the line, merong honor guard from the AFP,” sabi ni Coloma.
Idinagdag ni Coloma na pagkatapos ng departure honors, didiretso si Aquino sa kanyang bahay sa Times Street sa Quezon City.
“Siya ay magtutungo na sa kanyang sasakyan para siya ay lumisan na sa kanyang naging tanggapan sa nakaraang anim na taon. Siya ay tuwirang magtutungo sa kanyang tahanan sa Times Street, Quezon City,” ayon pa kay Coloma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.