Male star traydor, walang utang na loob kaya kinakarma | Bandera

Male star traydor, walang utang na loob kaya kinakarma

Cristy Fermin - June 18, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM MALE0423

PINALIIT ng isang kilalang male personality ang kanyang mundo. Dahil sa kawalan ng respeto sa kanyang mga itinuturing na kaibigan at sa kanilang pinagsamahan ay limitado na ang espasyo niya ngayon sa showbiz.

Palaging Spell M, as in, matindi ang pangangailangan ng lalaking personalidad kaya hindi na siya halos nag-iisip sa kanyang mga pinaggagagawa. Nababalitaan na lang ng kanyang mga dating kasa-kasama na meron na pala siyang ginagawang raket na hindi man lang niya ipinaaalam sa mga taong mahalaga sa kanyang buhay.

“Nu’ng nakaraang election, umakyat siya sa stage ng mga pulitikong alam niya namang kalaban ng mga kaibigan niya. Walang sabi-sabi ‘yun, ni hindi man lang siya bumusina sa mga kaibigan niya, ganu’n ang kawalang pagpapahalaga ng taong ‘yun!” kuwento ng isang source.

Nu’ng minsan naman ay nakita siyang nakikipag-usap sa isang ehekutibo ng network, nagkakaroling kasi siya ng trabaho, ang istasyong pinuntahan niya ang mismong sinisiraan niya nu’ng maganda pa ang takbo ng kanyang career.

“Ano siya ngayon? Di kinakain niya uli ang mga salitang binibitiwan niya nu’n laban sa network na nilalapitan niya ngayon para lang siya magkaroon ng mga raket? Isinuka na niya, kinakain pa niya ngayon? “Kasi naman, wala siyang pagpapahalaga sa mga kaibigan niya, hindi rin siya matanaw ng utang na loob, kaya kita n’yo ang nangyayari sa buhay at career niya?

“‘Yan ang napala niya, pinaliit niya ang mundo niya. Pati tuloy ang mismong mga kadugo niya, ayaw nang magkaroon ng kaugnayan sa kanya! Di ba naman, Bradly Guevarra kong mahal?” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending