Panelo itinanggi na sangkot sa parking violation sa Greenhills
ITINANGGI ni incoming presidential spokesperson Salvador Panelo ang isang Facebook post na kung saan inaakusahan siya ng parking violation sa Greenhills Shopping Center sa San Juan.
Sumagot si Panelo sa Facebook para itinanggi ang alegasyon ng isang Clarisse Evangelista na hindi siya natinag nang sabihan ng isang security guard na alisin ang kanyang kotse.
Ipinaliwanag ni Panelo na humingi siya ng permiso sa guwardiya para maiparada ang kanyang kotse sa lugar para bumili ng virgin coconut oil sa isang kalapit na drugstore.
“A certain Clarisse Evangelista, obviously a non-existent person as there is nothing in her account that suggests that she exists I.e. no photo, no personal circumstances, no information on her identity, posted in facebook an alleged incident that portrayed me as violating a no parking regulation in Greenhills Commercial Center and showing no remorse,” sabi ni Panelo sa kanyang post.
Sa kanyang post, sinabi pa ni Evangelista na naglagay pa si Panelo ng tarpaulin ni President-elect Rodrigo Duterte at inilagay sa hood ng kanyang kotse bago tuluyang naglakad paalis.
“I parked my car infront of Mercury and Tropical Hot and sought permission from the security guarded posted there if could leave my car for a while as I wanted to buy a bottle of coconut virgin oil at the Mercury. The guard granted my request and told me that I could move the car infront of the Theater Mall parking zone so he could watched over it as soon as I bought the said item in the drugstore,” giit ni Panelo.
Sinabi pa ni Panelo na nagpalitrato lamang sa kanya ang ilang taga-suporta ni Duterte kayat naglagay siya ng tarpaulin sa hood ng kanyang kotse para maisama ang mukha ng bagong pagulo.
“After those selfies I bought the said item at the Mercury and in less than 5 minutes I returned to my car and the guard guided me to park my car in front of the Theater Mall where the guards allowed other car drivers to park their cars. That’s what happened,” giit pa ni Panelo.
Aniya, wala siyang nagawang paglabag taliwas sa alegasyon ni Evangelista.
“Obviously too the person is an anti Duterte basher who converted a casual incident into a false and malicious narration of an event with the purpose of maligning my person,” giit ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.