NABABASA ko po ang column ninyo na Aksyon Line sa aming opisina sa Makati dahil palaging may dalang Bandera ang officemate ko. Gusto ko sanang ikonsulta ang tungkol sa nanay ko na may 10 taon na nagtatrabaho bilang mananahi ng pakyawan sa isang pabrika sa Tanay, Rizal.
Sa loob ng 10 taon na pagtatrabaho ay hindi naman siya binabayaran ng holiday pay. Ask ko lang kung entitled siya na makakuha ng holiday pay kahit per piece lamang ang kanyang trabaho o kung ilan ang natahi o natapos sa isang araw ay iyon lamang ang babayaran.
Sana ay matulungan ninyo kami at malaman ang dapat namin na gawin.
Malaking tulong sa tatlo ko pang kapatid na nag aaral kung may makukuha ang nanay ko. Maraming salamat po.
Elizabeth Advincula
Tanay,Rizal
REPLY: Para sa iyong katanungan, Ms. Elizabeth:
Kung ang isang manggagawa ay binabayaran ayon sa kanyang natapos na trabaho o piece-rate basis, ang kanyang holiday pay ay hindi bababa sa kanyang average daily earning sa loob ng pitong araw na aktwal na paggawa o actual work days bago pa mag regular holiday o pistal opisyal.
Gayunpaman, hindi sa anumang kaso na ang holiday pay ay mas mababa kaysa sa pinakamababang pasahod/minimum wage rate na naangkop sa batas.
Ang mga tinatawag naman na seasonal workers ay maaaring hindi bayaran ng holiday pay sa panahon ng off-season kung hindi sila nagtatrabaho.
Ang mga manggagawa din na walang regular na workdays, katulad ng estibador, ay may karapatan sa holiday pay
USEC Nicon
Fameronag
DOLE Spokesperson
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.