Mayabang na matandang politiko basted kay Miss Reporter | Bandera

Mayabang na matandang politiko basted kay Miss Reporter

Den Macaranas - June 08, 2016 - 11:14 AM

MAKARAANG mabasted ng isang may edad pero maganda at seksi pa ring artista ay isang miyembro naman ng media ang pinormahan ng isang incoming government official sa Duterte administration.

Sinabi ng ating Abogadong Cricket na nagsumbong sa kanya ang isang batambata at magandang reporter hingil sa umano’y pagporma at indecent proposal na kanyang nakuha mula sa isang incoming official.

Bukod sa mga regalo at kung anu-anong mga pangako ay nagtangka rin umano itong ating subject na isang matandang jeprox na dumalaw sa bahay ng nasabing reporter.

Pero hindi ito pinayagan ng nasabing news personality dahil una ay hindi papayag ang kanyang mga magulang.

Kaedad na raw halos kasi ng government official ang kanyang lolo.

Tulad nang inaasahan ay maaga muling nabasted si incoming official na kung pumorma ay daig pa ang nagmumurang kamias.

Pero kahit nabasted na ay tuloy pa rin sa pagte-text ng mga sweet nothings si Sir at talagang buo pa rin ang kanyang loob na ituloy ang panliligaw sa dalaga.

Dito na nagpasya ang news reporter at kinausap na niya nang maayos si Sir na walang kahihinatnan ang kanyang pagporma sa dalaga.

Mabait naman daw si incoming government official at hindi na itinuloy ang kanyang balak.

Ang ating subject sa kwentong ito ay dati nang sikat bago pa man napasama sa mga opisyal na malalapit kay incoming President Digong Duterte.

Kilala siya sa pagiging chickboy at madalas din siyang laman ng mga mamahaling club sa Metro Manila.

Kung kani-kanino rin siya na-involved na mga celebrities pero walang tumagal sa kanya dahil sa sobrang kayabangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang trying hard na bida sa ating kwen ay si Mr. S….as in Sawing Pag-ibig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending