Annabelle kinampihan si Digong sa sipol scandal; news reporter binanatan | Bandera

Annabelle kinampihan si Digong sa sipol scandal; news reporter binanatan

Ervin Santiago - June 06, 2016 - 12:25 AM

annabelle rama

AS expected, kinampihan ni Annabelle Rama si Pangulong Duterte sa ginawa nitong pagsipol sa GMA news anchor at reporter na si Mariz Umali. Sunud-sunod ang naging tweet nito tungkol sa nasabing kontrobersiya.

Hindi pinangalanan ni Annabelle Rama si Mariz sa kanyang mga Twitter post pero very obvious na ang Kapuso news reporter ang tinutukoy ng talent manager. Narito ang mga tweet ng nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez.

“My personal comment regarding the sipol issue…Hindi masama ang sipol galing sa isang lalaki lalong-lalo na pag sikat at decente,” tweet ng manager. “Kung mangyari yan sa akin, ang igaganti ko sa sipol ay isang malanding kindat…!” dagdag nito.

May mensahe rin si Annabelle Rama sa isang reporter na tinawag niyang epal dahil kung makakomento raw ito sa nangyari kay Mariz ay wagas na wagas.

“Hoy bruha, stop u-sing Pres. Digong’s name, ang arte-arte mo. Feeling mo maganda ka? Pweeeeeeee. Ano ang big issue sa pag-sipol, hindi naman ikaw ang sini-pulan, bawal ba? Napahiya ka bruhilda ka, USERRR… Siguro you keep asking stupid questions kaya ka binabara.”

“Kulang ka sa pansin or gusto mo lang lumandi sa presidente? Mahimik ka na dapat at i-ban ka na sa lahat ng mga presscon, kung meron man…Dapat matigil na itong kap*tahang issue na ito,” pahabol pa ng matapang na ta-lent manager.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending