Bagong reality show ni Cesar sa TV5 pinatigil, nagkaproblema sa budget Bandera

Bagong reality show ni Cesar sa TV5 pinatigil, nagkaproblema sa budget

Reggee Bonoan |May 23,2016
share this

Bagong reality show ni Cesar sa TV5 pinatigil, nagkaproblema sa budget

Reggee Bonoan | May 23,2016 - 02:00 AM

cesar montano

HOW true na hindi na tuloy ang reality show ng TV5 na Mask Singer na isang sikat na programa sa Korea.

Si Cesar Montano sana ang magiging host nito sa direksiyon ni GB Sampedro at pamamahalaan naman ng Viva TV. Sa katunayan ay nakapag-taping na ng dalawang episode sina Cesar para i-present sa TV5 management.

Supposedly ngayong Hunyo ang airing ng Mask Singer pero pina-hold daw ito ng TV5 ma-nagement dahil may problema sa budget.

Ayon sa a-ming source, naka-hold lahat ng binuong programa para sa Entertainment ng Singko pero ‘yung mga programa para sa sports ay tuluy-tuloy pa rin daw.

Hirit naman ng ilang katoto, “Paanong hindi magtatagal ang mga programa sa entertainment, e, paiba-iba ng timeslot. Nalilito ang viewers sa mga programang sinusubaybayan nila, hindi tuluy-tuloy kaya bumibitaw sila.”

Tama naman!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending