NATAGPUANG patay ang tatlo katao matapos ganapin ang isang concert sa open parking area ng isang mall sa Pasay City kaninang umaga.
Sa isang report na nakuha mula kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas, sinabi niya na natagpuan ang mga biktima na sina Ariel Leal, Lance Garcia at Ken Migawa na pawang walang mga malay habang ginaganap ang “CloseUp Forever Summer” concert sa Mall of Asia open parking grounds.
Base sa inisyal na imbestigasyon, hindi magkakakilala ang tatlong biktima at pawang mga lasing nang sila ay dalhin sa San Juan de Dios Hospital para magamot.
Idinagdag ni Molitas na natagpuan ang tatlo sa magkakahiwalay na bahagi ng pinangyarihan ng concert.
Dead on arrival si Garcia sa ospital ganap na alas-3:37 kaninang umaga.
Sinabi pa ni Molitas na hindi pa matiyak ang sanhi ng pagkamatay ng tatlo habang patuloy ang imbestigasyon.
Sa isang pahayag, nagpaabot naman ang CloseUp ng pakikiramay sa pamilya ng mga namatay habang dumadalo sa concert.
“Closeup and its organizing agency, Activations Advertising, and staging agency, Eventscape, are deeply saddened by the events that transpired on the early hours of May 22, 2016,” sabi pa ng ClouseUp.
“We regret that despite the very stringent measures and precautions we have put in place to ensure the safety and security of all attendees involved, this incident still transpired. As such, strict protocols were followed to immediately provide medical assistance, as well as rush all those involved to the nearest hospital where they can receive emergency care,” dagdag ng CloseUp.
Idinagdag ng CloseUp na nakikipagtulungan na sila sa mga otoridad sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente.
Sinabi ng mga pulis na pinayagan ang mga nanood na bumili at uminom ng alak sa mga concessionaire sa loob ng concert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.