Beking celebrity maangas na, traydor pa kaya nilalayuan na ng mga kaibigan | Bandera

Beking celebrity maangas na, traydor pa kaya nilalayuan na ng mga kaibigan

Cristy Fermin |May 22,2016
facebook
share this

Beking celebrity maangas na, traydor pa kaya nilalayuan na ng mga kaibigan

Cristy Fermin - May 22, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM MAN 0220

SA kabila ng magandang suwerteng dumating sa buhay ng isang showbiz personality ay hindi pa rin kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil maraming hindi masaya sa kanyang popularidad ngayon.

At ang nakakalungkot pa ay mismong mga kaibigan-kasamahan niya ang hindi masaya sa kinalalagyan niya ngayon, maraming sinasabi sa talikuran ang mismong mga kahanay niya, nakararating ‘yun sa becking personalidad.

Nu’ng una ay masayang-masaya ang kanyang mga kaibigan sa mga oportunidad na dumarating sa kanya, pero sa bandang huli, sa halip na matuwa para sa kanya ay puro nega pa ang maririnig mo mula sa mga taong dati niyang nakakasama.

Kuwento ng isang source, “Dati na siyang maangas, marami nang naiinis sa ugali niya kahit nu’n pa, pero mas nag-umangas nga kasi siya nu’ng gumanda na ang buhay at career niya.

“Marami na siyang kuda, sinisiraan niya ang mismong mga kasamahan niya, nakararating siyempre ‘yun sa mga taong nilalait-lait niya. Ayun, nag-iwasan tuloy sa kanya ang mga dati niyang kasamahan na kilalang-kilala ang kartada niya,” napapailing na kuwento ng aming source.

‘Yung mismong mga kasamahan niya na may malaking naitulong sa kanya nu’ng hindi pa siya nakikilala ay nagsiiwas na rin pala sa popular na becki. Maraming kuwento ang aming impormante.

“Ganu’n din ang reason. Ang sobrang kayabangan niya. Mayamang-mayaman sa kahambugan ang becking ‘yun na ang feeling kasi, e, wala nang katapusan ang magagandang nangyayari sa career niya ngayon.

“Ang hindi talaga mawala sa kanya, e, ang ugali niyang pa-high and mighty. Ipinapahiya niya ang mga kaibigan niya sa maraming tao, ganu’n siya kaangas, hindi maganda ang ganu’ng bisyo,” pagtumbok na halos ng aming impormante sa becking personalidad.
Bradly Guevarra, alam na, goooo!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending