Baguhang aktres tinawag na anaconda, alaga ng manager inagaw | Bandera

Baguhang aktres tinawag na anaconda, alaga ng manager inagaw

Cristy Fermin - May 03, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM FEMALE 0415

ANACONDA ang tawag ngayon ng mga tao sa kanyang paligid sa isang bagitong female personality na karelasyon ngayon ng isang guwapong young actor.

Valentina naman ang tawag sa kanya ng mga becking nakikisimpatya sa isang taong malapit sa kanilang buhay. Literal kasing kinupkop ng isang pamosong businessman-manager ang baguhang babaeng personalidad pero ang ipinalit niya sa kagandahang-loob ng manager ay kawalan ng katapatan.

Sising-sisi ngayon ang manager kung bakit pa nito kinupkop ang babae, sana raw ay dinedma na lang nito ang girl nu’ng mga panahon na nangangailangan siya ng tulong, sana raw ay hindi na lang siya pinatira ng manager sa kanyang bahay.

“Imagine, hindi siya tinratong iba ng taong sumagip sa kanya, parang pamilya siya ng manager, kung ano’ng meron ang mga kapamilya niya, e, siguradong meron din si ____ (pangalan ng baguhang female personality)!

“Pero ano ang nangyari, ano’ng ginawa ng babaeng ‘yun? Habang pinagkakatiwalaan niya ang girl, e, may kakaiba naman palang ginagawa ang hitad!” “Ang alaga ng manager, unti-unti na palang ina-anaconda ng girl, hanggang sa ayun, nakuha niya ang attention ng guy, naging sila na nga!
“Napakalaki ng pagbabago ng guy, ang dating masunuring bata sa kanyang manager, iba na ang ugali ngayon, parang nagrerebelde na!

“Matindi ang influence ng girl sa bagets, maraming nakapansin sa ugali niya, napakalaki ng pagbabago ng guy na ang itinuturong dahilan ng malalapit sa guwapong aktor, ang girl na pinagpala ng manager niya,” napapailing na kuwento ng aming source.

“Paborito mong panghimagas ang name ng girl na itey, Bradly Guevarra, mark my word, kilalang-kilala n’yo ni Tita Nene Ulanday kung sino siya at ang bagets actor na bumibida sa kuwentong ito,” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending