Rape comment ni Duterte di kayang bigyang katwiran | Bandera

Rape comment ni Duterte di kayang bigyang katwiran

Arlyn Dela Cruz |April 19,2016
facebook
share this

Rape comment ni Duterte di kayang bigyang katwiran

Arlyn Dela Cruz - April 19, 2016 - 03:00 AM

KAHIT saang anggulo ko tingnan, hindi kayang bigyang katwiran ang anumang biro tungkol sa panggagahasa; kahit sino pa ang nagbitiw ng biro o kahit sino ang pinatutungkulan nito, buhay man o patay, maganda o pangit.
Hindi rin dahil babae ka kaya ka magsasalita ng pagtutol sa anumang biro tungkol sa panggagahasa, sinuman ang nagbiro, sinuman ang biniro.
You just have to be human to feel disgust and even anger to such kind of joke.

Nakakalungkot na gawing biro ang isang mapait na trahedya, maraming taon na ang nakalipas. “Gutter language”, iyon ang sangkalan.

Ang mas nakalulungkot, para sa akin, ay iyong marami ang nagbibigay katwiran sa ginawang biro. Marami ang umayon at sinabing ganon lang talaga siya magsalita. May mga taong kuhang-kuha ang ganoong klaseng bitiw ng salita, dahil iyon ay salitang kanto, biro ng masa, salitang hindi masasakyan ng “conio.”
Iyon daw ay birong madaling maunawaan ng mga tambay sa kanto na para bang ang bagay ng pagka-unawa at hindi pagka-unawa sa biro ay dahil sa class differences, lingguwageng naghahati o naglalagay ng pader sa pagitan ng mahirap at mayaman.

It’s not about social clashes and social divide. It’s about respect and sensibilities.

I have a confession. My daughter Nica is a self-proclaimed Duterte fan along with her classmates and friends. Hinahayaan ko siya kung sa tingin niya ay karapat-dapat na ang kandidato niya ang maging susunod na pangulo.
She knew I am a Miriam Defensor-Santiago fan but that did not prevent her from convincing me to vote for Duterte.
Para kasi sa maraming kabataan ngayon, parang rock star ang dating ni Duterte.
She’s 15 by the way and won’t be participating in the May 9 elections. But after the rape joke, I need not tell her about it, she immediately knew how to react.
“Rape is not a joking matter, he went too far”, my daughter said.

Natuwa ako sa pagbabago ng isip ng bunso ko tungkol sa iniidolong kandidato. Alam niya ang tama at mali, ang labis at ang hangganan.

Yun ang gusto ko lang puntusan, kung OK lang sa atin ang biro tungkol sa panggagahasa, OK din lang ba ang mismong akto ng panggagahasa? Saan ba naghihiwalay ang biro sa katotohanan?
Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin sabi nga. Ang nasa isip mo, yun ang katotohanan mo. Your thoughts represent your truth.

Duterte’s immense popularity is a statement of how many abhor everything about the status quo. Many want change and I can relate to that. But let us not confuse change from respect to the sensibilities of other people especially the very people that you want to lead, the very people that look up to you as a symbol of change.

Maraming pagkakataon sa ating kasaysayan na parang biniro tayo ng tadhana. Huwag nawang tayo ang maging biktima ng birong ating inayunan, binigyan ng katwiran at tinawanan pa nga sa ngayon.

Hindi natin alam ang puwedeng maging biro ng kinabukasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending