Cebu City nagdeklara ng state of calamity; P13.4M pananim nasira
NAGDEKLARA ang Cebu City Council ng state of calamity Miyerkules sa harap ng nararanasang tagtuyot sa lungsod kung saan tinatayang P13.4 milyong halaga ng pananim na ang nasira dahil sa nabawasang suplay ng tubig sa mga kabahayan.
Inaprubahan ng city council ang naging rekomendasyon ni Councilor Dave Tumulak, head ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CCDRRMC).
“We’re expecting the damage to still increase also based on PAGASA’s (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical ServiceAdministration’s) pronouncement that the El Niño (phenomenon) will continue until late May,” sabi ni Tumulak.
Sa isang ulat na isinumite ni City Agriculturist Joelito Baclayon sa city council, sinabi niya na apektado na ng patuloy na nararanasang tagtuyot ang tinatayang 87.4 ektarya ng lupa sa 28 bulubunduking barangay ng lungsod.
Sinabi pa ni Baclayon na umabot na sa 317 magsasaka ang apektado ng El Nino.
“This is still a partial report. There’s still a possibility that it (drought) can still worsen. We will also conduct another evaluation later this month,” sabi ni Baclayon.
Apektado rin ang suplay ng tubig sa lahat ng 80 barangay sa Cebu City. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.