Wish ni Sarah: Sana po ikasal ako pag 32 na ‘ko!
MUKHANG nagdedesisyon na si Sarah Geronimo para sa kanyang sarili.
She now has more freedom sa kanyang pagsasalita at parang may paninindigan na siya. She declared in recent interview na she wants to get married at 32.
“Ako, tumatanda na ako, mag-thirty na ako, malapit na po. Pero iyon naman ay kahit minsan gustuhin natin, pero kapag hindi pa talaga, hindi pa. Sana po early 30s. Pinaka-late na ‘yung 32. Sana po. Puro sana,” say niya sa isang interview when asked kung kailan siya magpapakasal.
There are rumors that she’s living in with Matteo Guidicelli and that’s she’s engaged na. Ang mas nakakalokang chika, pregnant daw siya, bagay na itinanggi ng Pop Star.
“Hindi (kami engaged). Maraming naglabasan, nagli-live in na raw kami, buntis daw ako at engaged na kami. Wala, wala po. Sana mauna muna ‘yung engagement bago ako mabuntis,” esplika niya.
Easily discernible ang pagkakaroon ni Sarah ng boses ngayon. She can freely talk, bagay na hindi nangyari a few years back when she would evade personal questions.
Ay, meron pala siyang hindi sinagot, ‘yung issue na nilayasan na niya ang kanyang pamilya at nagsosolo na siyang namumuhay ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.