Julius Babao babaguhin ang buhay ni gasoline girl
Isang tollgate teller, gasoline girl, at snack vendor ang magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanilang buhay sa tulong ni Julius Babao ngayong Lunes din sa Mission Possible, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.
Pamumunuan ng beterang broadcast journalist ang isang sorpresang aantig sa puso ng manonood para sa Skyway toll gate cashier na si Rosalinda, ang pagtulong sa breadwinner na gasoline girl na si Carol makuha ang kanyang SSS, at ang pamimigay ng pangkabuhayan kay Kirby, isang estudyanteng nagtatrabaho bilang snack vendor sa isa nanamang makabagbag-damdaming episode.
Panoorin kung paano napapabuti kahit ng mumunting pagtulong ang buhay ng iba bukas ng gabi sa Mission Possible sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.